Breaking News

Laurel Batangas Aerial Bago Pumutok ang Taal | Himpapawid Ep 1

Mula sa napakagandang Taal Lake at Taal Volcano, mga bagong imprastraktura, natural na tourists destination at mga kaibigan namin sa Laurel Batangas ay talaga namang mapapahanga ka sa gandang taglay nito

Tara! Samahan nyo kaming magbalik tanaw!

Sariwang Hangin. Magandang Tanawin. Masayahing mga Tao. 

Isa ito sa mga tumatak sa amin na pagkakakilanlan ng Bayan ng Laurel sa ilan taon naming pagiging bahagi ng mayaman nilang Kultura. 

Gayun pa man, malaki ang naging epekto ng sunod sunod na sakunang tumama sa kanila ngayong taon mula sa pagputok ng Bulkan, ASF at COVID19.

Sa kasalukuyan, ay utay utay nang nakakabawi at dumadagsa ang mga tao para bisitahin ang ilan sa mga ipinagmamalaki ng Laurel Batangas. 

Umpisahan natin sa pambihirang tanawin ng Taal Lake at Taal Volcano, dine mo mararanasang makita ng malapitan ang katangi tanging ganda ng Bulkan at Lawa ng Taal. 

Isa din sa mga must-visit ang kanilang Simbahang Bato, isang kwebang taguan at protektor noon ng mga Laurelians tuwing mayroong malalakas na bagyo  na ngayon ay puntahing puntahin na ng mga deboto at mga motorcycle groups.

Articl Link : Simbahang Bato sa Laurel Batangas

Masarap din tumubog at magrelax sa napakalinaw na tubig ng Malagaslas at Ambon Ambon Falls.

Article Link : Ambon-Ambon Falls ng Laurel Batangas

At ang pinaka paborito namin, ang maging bahagi ng taunang festival ng Laurel Batangas at magisnan ang ngiti ng mga tao.

Sadya namang hindi masusukat ang ganda ng bayan ng Laure, Batangas.

Ang pagbabalik tanaw na ito ay hindi lamang para ipaalala sa atin ang ganda ng Laurel Batangas bago ang pagputok ng Bulkan Taal. Bitbit din nito ang pag asa na kaya nating manumbalik o mag adapt sa kasalukuyang panahon. 

Hindi na kami makapag intay na magbalik muli.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.