Matapos ang ilang araw at isang linggo ng pagberde ng tubig dahil sa Algal Bloom, muli na naman luminaw ang tubig ng lawa ng Taal at bumalik na rin ang pukot sa Barangay Sala, Balete, Batangas. Kahit nabuga ng makapal na usok ang buklang Taal, nananatiling maganda ang araw, kalma ang lawa ng Taal at masaya ang mga taga Barangay Sala na nagtutulungan upang hilahin ang lambat upang manghuli ng Tawilis sa unang pagkakataon mula ng Seasonal Ban.
Ngunit tila napawi ang kasiyahan noong lumapit na ang lambat sa baybay at mas marami pa ang damo tulad ng dignam, isak, barek at ilang basura kaysa sa hinuhuling Tawilis. Apat na kilo at kalahati lamang ang kanilang nahuli sa dalawang oras ng hilahan. Sa dami nun, lugi pa ang pinang Krudo.
Positibo pa rin ang may ari ng lambat na si Jose Valencia na siyang babalik uli bukas para sa isa na namang pukot. Ang sabi niya kaya daw kakaunti ang huli ay dahil sa agos na dinadala papalayo ang Tawilis, at maaari na ring dahil na din sa nakalipas na lumot.
Joel Mataro | WOWBatangas
Belete, Batangas