Bilang bahagi ng selebrasyon ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo, pininturahan ng bahaghari ang ilan sa mga pedestrian crossings sa Bayan ng Ibaan, Batangas.
Ang nasabing mga Rainbow-colored Pedestrian Crossings ay proyekto ng grupo ng LGBTQIA Ibaan Chapter sa pakikipagtulungan din sa Pamahalaang Bayan ng Ibaan.
Ayon sa kanila, bukod sa ito’y sumisimbolo sa kanilang makulay na buhay at ito’y nangangahulugan din ng bukas palad na pagtanggap, pagkakapantay-pantay at pagmamahal para sa kagaya nilang nabibilang sa LGBTQIA Community.
Sa kasalukuyan at patuloy ang kanilang pagpipinta pa sa iba pang mga pedestrian crossings sa nasabing bayan.