Ang Pinamucan Proper ang isa sa mga coastal barangays sa Batangas City kayat naging taunan ng gawain na magdaos ng karera ng bangka dito sa pagdiriwang ng kapistahan nito na ginanap noong April 25 at nilahukan hindi lamang ng mga taga lungsod kundi ng mga taga ibang bayan.
Mula pa sa Boracay, Mindoro, Cavite, Laguna, Mabini, Calaca, San Nicolas Manila Bay, Talisay, at iba pang bayan ang dumayo upang lumahok sa nasabing karera.
Ayon kay Dick Baes, pangulo ng Pinamucan Proper, mas dumami pa ang bilang ng mga sumali ngayon at ito aniya ay sadyang dinadayo ng taga ibang lugar tuwing magdiriwang ng kapistahan.
Ayon naman kay Sonny Dudas ng Pinamucan Ibaba, isa sa mga kalahok ng bangkarera, matagal na siyang sumasali sa ganitong kompetisyon . Sinabi niya na sa pag sali dito, kailangang maganda ang porma at tuwid ang ilalim ng bangka, maganda, malakas at de kalidad ang makina at importante din na may pera ang kalahok sapagkat magostos rin ang sumali dito.
Ang mga nanalo ay sina, Raymund Cruz ng Taal Batangas na tumanggap ng 30.000, 2nd si Nathan Swalog, 3rd si Ryan Isederio ng Boracay at tumanggap ng 10,000, at 5000, at 4th si Marcing Beloso ng Mabini na tumanggap ng 3000.
Samantala, bukod sa bangkarera, nagkaroon din ng amateur contest, mini band exhibition at disco party.
Ulat mula kay: Liza Perez Delos Reyes, PIO Batangas City
I LOVE PINAMUCAN,BECAUSE IT IS A BEAUTIFUL PLACE AND THE PEOPLE ARE NICE.I USED TO SLEEP OVERNIGHT AND ENJOY MY TIME THERE WITH MY FRIENDS DURING MY YOUNGER DAYS.I HAVE A LOT OF FRIENDS IN THE PLACE.PALBITS REYES,DOMING MENDOZA,RUDY MELENDREZ,BERBERABES AND OTHERS.THEY ARE VERY ACCOMMODATING AND KIND TO THEIR VISITORS.I AM HOPING THAT PINAMUCAN WILL BE GIVEN ENOUGH ATTENTION TO ADVANCE REGARDING ACCOMPLISHMENTS AND LIVELIHOOD SPECIALLY FISHING AND FARMING.STOP BUILDING COMPANIES THAT POLLUTE THE PLACE.HOPE TO SEE PINAMUCAN AND MY FRIENDS THERE SOON.