Breaking News

Hunger for God

Hindi lang sa pagkain tayo nagugutom. Hindi lang sa kayamanan tayo nagugutom. Hindi lang sa katarungan tayo nagugutom. Hindi lang sa kapayapaan tayo nagugutom. Nagugutom din tayo sa Diyos. Sa kaibuturan ng ating puso ay hinahanap natin siya. Kailangan natin siya. Sapagkat siya lamang ang tunay na makapapawi ng pagkagutom natin. Malalim ang pagkagutom na ito kung kaya malalim din ang kasagutan sa paghahanap na ito ng tao.

Unfortunately, we search for that food in the wrong place. Akala natin bubusugin tayo ng maraming salapi, pero lalo pa tayong naghahanap kahit natamo na natin ito. Akala natin bubusugin tayo ng mga kinababaliwang mga bisyo. Subalit lalo lamang tayo napapalubog dito sukdulang maging alipin na tayo ng mga kinahuhumalingan nating pamawi ng marami nating hirap at mga dinaramdam. Ang di natin alam lalo pa tayong nagugutom at nagmumukhang kawawa.

Sinagot na ng Diyos ang pagkagutom natin. Ibinigay ni Hesus ang sarili niya upang maging tinapay ng buhay natin. Sa bawat pagkakataon na tinatanggap natin siya sa ating pagsisimba, napapawi ang gutom natin. Sa pakikinig natin ang pagtanggap ng kanyang salita na ipinahahayag sa Banal na Misa; at sa ating pagtanggap ng Banal na Komunyon tumatanggap tayo ng buhay na walang hanggan bukod pa sa linaw ng pag-iisip at paglubag ng damdamin na nadarama natin sa banal na pagdiriwang na ito.

If you feel like you don’t get much out of the Mass, it must lead you to take a closer look at yourself. You need an attitude check. How you feel about it tells you how you might be thinking all the while about it. Why not try to consider it as a rich opportunity where you meet Jesus and get transformed in the process? And instead of seeing it as a monotonous and boring endeavor, why not look at it as a chance to satisfy your hunger for God?

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.