Inilunsad ng Batangas Jaycee Senate at Junior Chamber International ang Bikeathon Lakbay Lungsod ng Batangas 2010 kahapon July 18 sa layuning maiangat ang antas ng palarong cycling partikular sa buong probinsiya ng Batangas kung saan maraming magagaling na siklista ang lumahok.
Mahigit na 200 siklista mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ang sumali sa nasabing kompitisyon. Ang kumpetisyon ay binubuo ng limang category, ang beginner’s category, professional elite, novice, women’s category, open amateur category.
Ayon sa mga miyembro ng Jaycees , hiningi nila ang tulong ng dating mayor na si Dondon Dimacuha upang gawing maayos at ligtas ang kondisyon ng mga sa mga lugar na dadaanan.
Sinabi naman ni Reggie Ebreo, coordinator ng Bikeathon 2010 ang nasabing kumpetisyon ay taon-taon ng ginagawa at inaasahang mas dadami pa ang mga siklistang lalahok dito.
Ang Bikeathon Lakbay sa Lungsod ng Batangas 2010 ay binuo ng isang lap. Para sa open professional, amateur, at novice ang rota ay nagsimula sa SM Batangas, puntang gulod Itaas, splint point puntang Dalig, San Pedro paikot sa Bilogo, conde Labac, Itaas at mag tatapos uli sa SM kung saan ditto gaganapin ang awarding.
Para sa women’s category ito ay may layong 25 km, 30 kms para sa bebinners, at 50 kms. naman para sa novice, amateur at elite professional. Bawat category ay may 10 nagwagi at makakatanggap ng tig 500 at medal.
Ang mga nananalo ay tumanggap ng 7,000 at trophy para sa champion; 5,000 at trophy para sa 2nd place; 3,000 at trophy para sa 3rd place. (Liza Perez Delos Reyes, PIO Batangas City).
syaang hindi nakasali! ahehehe
di ko alam na may nakasali na visayas mindanao ang bikeathon????ang alam ko ang dayo na malayo ay lipa at manila
syaang hindi nakasali! ahehehe
di ko alam na may nakasali na visayas mindanao ang bikeathon????ang alam ko ang dayo na malayo ay lipa at manila
200 ANG RIDERS NA SUMALI????? ANG KARKULA KO KO WALA PANG 100…….HE!HE!HE!
200 ANG RIDERS NA SUMALI????? ANG KARKULA KO KO WALA PANG 100…….HE!HE!HE!