“Take care to guard against all greed, for though one may be rich, one’s life does not consist of possessions” (Luke 12:15). Pag daw namatay ang tao, may dalawang tanong: may tanong ang tao; may tanong din ang Diyos. Ang tanong daw ng tao ay kung magkano ang naiwan ng namatay; ang tanong naman ng Diyos ay kung magkano ang kanyang madadala? “Ashes to ashes, dust to dust”. Sa alabok tayo galing at sa alabok din magbabalik: gaano ka man katalino, gaano ka man kalakas, gaano ka man kasikat, gaano ka man kamakapangyarihan, gaano ka man kaganda, gaano ka man kayaman. And yet nagagawa pa natin magmayabang kapag may magagara tayong sasakyan, malalaking bahay, at magagandang kasuotan. Lahat ng ito ay lilipas at sa alikabok din magbabalik.
Vanity misleads us and fools us. We take pride in our material possessions. We bask in the glory of our fleeting power. We live in the ivory tower where illusions of beauty, intelligence, grandiosity and prestige make us believe that we are immortal. It will all come to pass. It will all come to an end. When that time comes, where do we go? Saan tayo pupulutin? Baka mas masahol pa kaysa kangkungan ang paglalagyan sa atin.
Kaya huwag mong ipagyayabang ang anumang nasa iyo na kayamanan. Anuman ang nasa iyo ay pawang bigay lamang. Lahat ng mabuti ay galing sa Diyos. Kung pinagkalooban ka man ng magagandang kapalaran at maraming kayamanan, di ito nangangahulugan ng higit kang magaling o karapat-dapat kaysa ibang tao. Isa lang ang pinatutunayan nito: mabuti ang Diyos sa iyo. Kaya huwag kang palalo. Sa halip, magpasalamat ka at suklian mo ng paglilingkod ang iyong pinagkakautangan ng loob.
Anumang material na bagay kasama na rin ang iyong katawang lupa ay pawang abo lamang. Darating at darating na tiyak ang sandaling ito’y parang ipa na hihihipan at inililipad ng hangin. Tulad ng pamagat ng isa sa mga paborito kong awitin…Dust In The Wind. Yes, all we are is dust in the wind. O, magyayabang ka pa?