Breaking News

Gov. Vi Namuno sa Pagbubukas ng 2nd Sulu–Sulawesi Seascape Congress

PROVINCIAL INFORMATION OFFICE
PRESS RELEASE August 20, 2010

Marine Protection and Conservation, Tampok sa 2nd SSS Congress 2010

Muling nagtipon ang mga kinatawan ng lalawigan, kasama ang mga direktang aktibo at may kapakinabangan sa paligid ng Batangas coasts pababa sa mga karagatan sa timog ng bansa, sa Tagaytay City upang isagawa ang 2nd Sulu–Sulawesi Seascape (SSS) Congress, na may temang: “Sustaining Environmental Governance in the Sulu-Sulawesi Seascape: Responding to Emerging Issues and Opportunities in the SSME and CTI.”

Ang 3-day congress and plenary (August 19-21 2010) ay tatalakay sa mga isyu ng pangangalaga ng karagatan partikular sa paligid ng Sulu Sea sa Pilipinas at parte ng Sulawesi Sea sa Malaysia na siyang isa sa pinakamayaman sa yamang dagat o Marine Biodiversity sa mundo.

Ang pagbubukas ng plenaryo at opisyal na pagtanggap sa delagsyon na mula sa mga lalawigan ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Palawan at Tawi-Tawi, kaisa ang mga representante ng Non- Government Organizations tulad ng Conservation International Philippines, ay pinamunuan ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

Sinabi ni Gov. Vi na hindi na bago para sa lalawigan ng Batangas ang seryosong pangangalaga sa karagatan sapagkat nasa lalawigan ang Verde Island Passage na tinaguriang Center of the Center of Marine Biodiversity sa Buong Mundo.

Ipinaalam nito sa kapulungan na kaiisa ang kanyang pamunuan, kasama ang sambayanang Batangueno, sa pagsusulong ng mga adhikain at programa na magbibigay proteksyon sa yamang dagat sa loob ng tinaguriang Coral Triangle and Marine Corridor, na sakop ng Sulu- Sulawesi Sea.

Pagtatalakayan sa tatlong araw na plenaryo ang pagbabalik tanaw sa mga nauna nang mga programa na nabuo noong unang kabanata ng kongreso at identipikasyon ng mga mabisang kasanayan at mga natutunang leksyon sa pagbuo ng conservation plan ng lahat ng mga stakeholders.

Kasama din sa agenda ang pagbuo ng mga prayoridad at aktibidad na ipapaganap kaisa ang mga lokal na pamahalaan ukol sa mga teknikal na suporta para sa conservation plan, ang mabisang pagpapalaganap ng mga impormasyon at paghanap ng malawakang suporta para sa matagalang pagpapaganap ng programa. /Edwin V. Zabarte/PIO

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

JCI-Lipa Hosts SOLAC 2024, Wows Delegates with Trademark Batangueno Culture and Hospitality

JCI (Junior Chamber International) -Lipa hosted over 500 delegates at the 44th JCI Philippines Southern …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.