“Strive to enter through the narrow gate, for many, I tell you, will attempt to enter but will not be strong enough” (Lk 13:24). Walang shortcut papunta sa langit. Di madali ang magpakabuti at magpakabanal. Ito’y mangyayari lamang sa tulong ng biyaya ng Diyos at ng pagsisiskap ng tao. Hindi maaring umasa lamang sa biyaya at hindi rin naman maaaring panghawakan lamang ang makataong lakas. Ang pagpupunyagi ng tao kapag tinuwangan ng biyaya ng Diyos ay tiyak na pagpasok sa makipot na pintuan.
Nowadays we talk so much about power. People in authority wield power. We have technological advances that bank so much on power. Yet we never hear people talking about virtues. Virtue means power. A person who is humble, for example, is a person with power, for it takes a lot of strength to be humble, just as it takes a lot of power to forgive, to be patient, to believe in God’s providence, to control one’s appetites, etc. Virtues, in fact, are about doing difficult things. And because many good things are difficult, doing them entail power and having such power habitually is what is called virtue.
It doesn’t happen overnight. Katulad din yan ng pagpapagod at disiplina ng mga nagpupunta sa gym at gumugugol ng marami at regular na oras para mapalakas ang katawan at mapanatili ang kalusugan. Katulad din yan ng mga athletes na umiiwas palagian sa mga pagkain na bagaman masarap ay hindi naman makakatulong sa kalusugan at physical performance. Katulad din yan ng exercise at proper diet na matiyaga at palagiang ginagawa ng mga taong gustong makaiwas sa mga sakit sa puso, hypertension, diabetes, at iba pa. Kailangan ang tiyaga at disiplina para maging banal.
Ang kabanalan ay di lamang sa loob ng simbahan. Di lamang ito maipapakita sa mga gawang pagsamba, sapagkat maraming iba pang aspects ng buhay kung saan ito ay mapapatunayan at mapapagtibay. Ang patuloy nating pagtitimpi at pagdidisiplina sa sarili upang tahakin ang landas ng pagpapakabuti ay nangangailangan din ng “spiritual exercise”. Kasama dito ang pagtitiyaga, pagtitiis, “luha, dugo at pawis”, wika nga.. Hindi nga madali. Subalit may katuwang tayo: ang biyaya ng Diyos! Yan ang laging sigurado, laging available, laging matagumpay, laging maaasahan, at laging masagana. Kaya laging umasa at magsikap.