God is the God of Love and Mercy. The Parables of the Lost Sheep (Lk 15:1-7), the Lost Coin (Lk 15:8-10), and the Lost Son (Lk 15:11-32) speak loudly and vividly about God’s love and mercy for us all despite our being sinners. This is a very good news indeed. Think how much we are in dire need of love. And reflect on how much we depend on God’s mercy. If not for God’s love, we are worthless. If not for his mercy, we are hopeless. Kay buti ng Diyos! Salamat sa Diyos! Wagas ang kanyang pagmamahal sa atin. Dakila ang kanyang habag sa ating lahat. Purhihin ang Diyos!
Kapatid, anuman ang kasalanan mo, may pag-asa ka pa. Dahil sa napakalaking pagmamahal at awa ng Diyos, maari ka pang maligtas. Magbalik ka lamang. Magsisi. Humingi ng awa. Hindi ka Niya itatakwil. Naging alibughang anak ka man, kung magpapakababa kang umuwi sa Kanyang tahanan, patakbo ka niyang sasalubungin, yayakapin at hahagkan. Kay buti ng Diyos! May pagkakataon ka pa, may pag-asa ka pa, sapagkat buhay ka pa. May pagkakataon ka pang lumapit at bumalik sa Kanya. Gaano man kabigat ang kasalanan mo, gaano man kahiya-hiya ang iyong pagkakamali, gaano man kasakit ang sugat na nalikha ng iyong pagkaligaw ng landas, mahal ka ng Diyos.
Huwag kang matakot. Magtiwala ka sa awa Niya. Damhin mo ang pag-big Niya sa iyo. Hindi ka dapat mangamba o mangimi na lumapit sa Kanya. Ikasisiya Niya na matagpuan kang muli matapos na ikaw ay mawala. Ipagdiriwang Niya na makapiling kang muli matapos ka Niyang hintaying umuwi. Mabuti Siyang Ama sapagkat likas sa kanya ang magmahal at mahabag sa nagkakasala Niyang mga anak. Hinahanap ka Niya. Huwag mo na Siyang paghintayin. May naghihintay na pagdiriwang sa iyong pagbabalik.