Breaking News

Quid Pro Quo

“I scratch your back then you scratch mine,” ayon nga sa kasabihan. Iyan ang kahulugan ng Latin expression na siyang pamagat ng ating pagninilay ngayon. May mga tao na ang mentalidad ay matatawag na “transactional”. Ang motibo nila ng paggawa ng anumang pabor sa iba ay ang katapat nitong “ganansiya” (wika nga nating mga Batangenyo). Madali ang gumawa ng mabuti lalo na kung may aasahan kang kapalit na biyaya o anumang pabor. Kaya’t bago gawin ang anumang para sa kapakinabangan ng iba, ang unang tanong sa isipan ng tao ay, “Ano naman ang para sa akin,” o “ano ang mapapala ko?”

Maaring sabihin ninyo na natural lamang ito at sadyang ganito ang takbo ng mundo. Maaring isipin ninyo na praktikal lamang ang magtanong at mag-isip nang ganoon. Subalit hindi tayo dapat manatili na lang lagi sa kalakaran ng mundo. Hindi tayo dapat mapailalim lamang sa natural kundi meron din tayong supernatural na dapat atupagin. Sa larangan ng ating buhay-espiritwal, may naiibang kalakaran. Ito ay ang palakad ni Kristo. Dito tayo hinahamon ng ating Panginoon upang mula sa antas na ito ay mabakas sa ating araw-araw na pamumuhay ang implewensiya ng Salita ng Diyos sa ating puso at isipan.

Ang problema kasi ay kapag nadala natin ang kaisipang “quid pro quo” sa ating pakikipagkaibigan sa Diyos. Halimbawa, kung itanong kaya natin sa maraming nagsisimba, nagdarasal, o nagdedebosyon: bakit mo ginagawa ang lahat ng sakripisyo, panata, at paglalaan ng panahon sa paglapit sa Diyos o sa simbahan? Ang madalas na dahilan ay ang mga inaasahan nila at hinihiling na biyaya. Hindi naman ito masama. Subalit ang nakakalungkot ay kapag humiwalay tayo sa Diyos o sa simbahan sa dahilan lamang na hindi naibigay ang gusto natin. Dahilan sa hindi dininig ng Diyos ang iyong dalangin ay nagsisimula ka nang manlamig. Kapag hanggang ganyan lamang ang pakikipag-ugnayan mo sa Diyos, mababaw pa iyan.

Ang turo sa atin ng Ebanghelyo: “…kapag nagawa na ninyo ang lahat ng iniutos sa inyo, sabihin ninyo, ‘Kami’y mga aliping walang kabuluhan; tumupad lamang kami sa aming tungkulin” (Lk 17:10). Walang utang na loob sa atin ang Diyos. Dapat natin iyan tandaan. Tayo ang may utang ng lahat sa Kanya. Kaya kung ibigay sa iyo ang hinihingi mo, magpasalamat ka; kung hindi naman ibigay ang gusto mo, magpasalamat ka pa rin. Sa harap ng Diyos wala tayo karapatang magreklamo o magtampo. Lahat na nga bigay na Niya at patuloy na ibinibigay sa iyo. Gratitude is the memory of the heart.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.