Breaking News

Planta ng Nestlé sa Tanauan City, Pinasinayaan

Inaasahang malaki ang maitutulong ng itatayong planta ng Nestlé sa Tanauan City pagdating sa usapang pang-ekonomiya. Kaakibat na rito ang pagkakaroon ng mas maraming bilang ng trabaho para sa mga taga-Tanauan at mga karatig bayan.

PROVINCIAL INFORMATION OFFICE
NEWS RELEASE November, 25 2010

P4.3 Bilyong bagong planta ng Nestlé pinasinayaan sa Tanauan City

Tanauan City – Pinangunahan nina Pangulong Benigno C. Aquino III, Nestlé Philippines Chairman and CEO John Miller, Swiss Ambassador to the Philippines Ivo Siber, Batangas Vice Governor Jose Antonio Leviste, Tanauan City Mayor Sonia Torres Aquino at Sto. Tomas Mayor Renato Federico ang ground breaking ceremony ng itatayong bagong planta ng Nestlé sa First Philippine Industrial Park na nagkakahalaga ng 4.3 bilyong piso na matatapos sa loob ng dalawang taon.

Ang makabagong pagawaan na inaasahang matatapos sa Marso ng 2012 ay may lawak na 27 hektarya ng lupain sa FPIP na sakop ng Tanuan City at Sto. Tomas, at makagagawa ng pangunahing non-dairy product ng Nestlé.

Ang planta ng Nestlé ay makakatulong sa pagtataas ng lokal na ekonomiya at empleyo sa lalawigan ng Batangas, ganun din ang paglikha ng iba’t ibang oportunidad na pangkalakal sa lalawigan.

Ang Nestlé-Tanauan ay pangalawang planta ng multi-national company sa lalawigan; isa lamang indikasyon ng malakas na kumpiyansa ng mga kilalang global company sa pangkalakalang inisyatibo at pamamalakad ng lalawigan ng Batangas.

Noong 2009, ang Nestlé Philippines ay nakapag-produce ng kalahating milyong metriko tonelada ng kape, gatas, inumin, dairy at non dairy products. Bukod dito, umabot sa halagang P10 bilyon ang ambag nito sa lokal na ekonomiya partikular sa investments sa loob ng limang taon.

Ang Nestlé ang isa sa pinakamataas na nagbabayad ng buwis sa Pilipinas, patunay dito ang halagang P10 bilyong buwis noong 2009.
/Edwin V. Zabarte/PIO

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Multi-Agency Effort Puts Up Mango and Calamansi Processing Facility in Tanauan City, Batangas

Magsasakang Tanaueño Agricultural Marketing Cooperative (MTAMC) is the recipient of the newly inaugurated processing facility …

No comments

  1. gud day po! inquire lng po me bka ma2lungan nyo ako pra makapagwork jn sa nestle tanauan tga sto tomas lng po me. im 33 yirs old now kya medyo nahihirapan na me humanap ng work over age n kc. thanks and god bless

  2. gud day po! inquire lng po me about sa nstle company tanauan baka po ma2lungan nyo me makapagwork jn sa nestle batangas tga sto tomas po me. im 33 yirs old now kaya medyo nahihirapan na me humanap ng work kc po over age n ako. kahit po ano work jn khit sa warehouse dept. thanks and god bless

  3. kailan po hiring?san ko po puede ipasa resume ko,,slamat.Godbless!

  4. bgay nyo po sna email-add pra maipasa ko po resume ko.slamat

  5. may i know the contractor of nestle?????

  6. Kelan kya aplayan…Info nyo po kmi pra mkpgapply. magbubukas na po ata cya sa March 2012 eh..Pls tnx..

  7. kelan po ang official opening ng nestle

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.