Breaking News

Ang mga Sikat na Pang-Exchange Gift Noon (at Ngayon?)

Siguro depende sa generation kung saan ka ‘belong’. Nakakatuwa lang balikan ang mga Christmas parties noong elementary at high school. Lalo na sa usapang exchange gifts. 😉

Malapit na naman ang mga Christmas parties sa school. Siguradong excited na naman ang mga bagets sa paghahanda kung anong isusuot nila, anong pagkain ang dadalhin, at syempre, anong pang-exchange gift ang bibilhin. Ano ang madalas mong matanggap noon sa exchange gift?

Eto ang mga karaniwang inireregalo noon tuwing may exchange gift sa Christmas party ang mga nasa elementary level sa halagang hindi naman kalakihan.

Picture Frame. Bakit? Madaling bilhin. Personal. Pang-unisex. At higit sa lahat, may mabibili kang tig-bebente lang. Pero noong elementary kami, ang sosyal mo na kung magbibigay ka nito.

Face Towel. Habang tumatagal pwedeng mag-level up, kada taon nadadagdagan. Paisa-isa muna tapos sa susunod na taon dalawa na. Kung alam mong masipag maglinis o mahilig maglaro sa labas ang Monito/Monita mo, Good Morning hand towel na ang malamang ibibigay mo.

Panyo. Parang sa face towel. Swerte ka na kung Armando Carusso ang tatak ng matatanggap mo. Noong nauso ang malalaking panyo o yung tinatawag na bandana, halos lahat yata ng lalake sa isang klase namin noong high school ay ganun ang natanggap. Para silang mga dancers noong ’90s na may bandana sa ulo, haha.

Figurines. Hatiin natin ito sa dalawang klase. Una, yung makikinis at makikintab na parang pang-give away sa kasal. Aamin na ako, minsan ko nang ipinang-exchange gift ang isa sa mga naka-display na figurines noon sa tukador namin, hehe. Pangalawa, mga angel figurines na kaku-kyut. Wow, nagkaroon ako ng koleksyon ng mga angel figurines noon sa dalas kong makatanggap nito. 🙂

Sour Ball, Flat Tops, at Pretzels. Walang biro, sikat na sikat ang mga ito tuwing Christmas party noong elementary! Kaya kapag nakatanggap ka ng nakakahon, kalugin mo lang at alam mo na ang laman. 😉 Kung crush mo ang nakabunot sa ‘yo at alin man sa tatlong ito ang ibinigay n’ya sa ‘yo, sigurado akong itinago mo pa ang kahon noon.

Noong high school, aba, medyo nagpapasikatan na kasi sa klase. Nagbabago ang taste, nahihiyang magbigay ng tigbebente. At ito ang ilan sa mga madalas ibigay noon tuwing may exchange gift ang mga nasa high school.

Pabango ng Bench o Penshoppe. Tunay naman kaya binanggit ko na ang brand. Ang nakakatuwa kasi, marami silang mga nakakahon na na gift packages na pwede mong pagpiliian. Minsan may kasama pang face towel o hand sanitizer.

Teddy Bear. Malamang alam mo na rin kung anong tatak ang tinutukoy ko. Maganda kasi s’yang ipangregalo sa mga girls. Feeling special ang makakatanggap ng ganito lalo na kung type mo ang Monita mo. Siguraduhin mo lang na hindi allergic sa balahibo ng stuffed toy ang pagbibigyan mo.

Magic Pillow. Yun nga ga ang tawag dun sa unan na pipisil-pisilin mo para mag-expand ang size? Basta. At isa ito sa mga bigating pang-exchange gift dati.

Ito ang ilan sa mga sikat na pangregalo noon. Ganito pa rin kaya ngayon?

Taas ang kamay ng naka-relate sa Sour Ball, Flat Tops, at Pretzel! 😉

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

No comments

  1. yeah right…tamang-tama ang pagkaka-describe s mga pang-exchange gifts..At opo magic pillow nga ang tawag dun s unan..hehe..

  2. ano yung flat tops?

  3. meron pa ba nun…..un na ang pinakamasarap na kendi noong panahong iun….he he he he

  4. meron p nun.,. d ko pagpapalit ang flat tops s toblerone… piso lng my tsokolate k n… at pwede din pulutan… try nyo s Alfonso XIII… 😉

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.