Tanghod: (tang-hohd) Kahulugan: Pandiwa: Tumingin | Titigan | Bantayan Halimbawa ng pangungusap: ““Malapit nanamang magbakasyon, maghapon na naman nakatanghod ang mga bata sa telebisyon” “Kung saan saan nakatanghod si manong driver kaya nakasagi ito ng ibang sasakyan. ”
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 23 – Babaysot
Babaysot: (bah-bai-soht) Kahulugan: Pangngalan: Babae | Dalaga Halimbawa ng pangungusap: ““Anong gaganda ga ng mga babaysot na nagsisirampa dine sa Miss Universe!”” “Are gang babaysot na are’y di na natale sa bahay eh! ”
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 22 – Buyon
Buyon : (boo-yon) Kahulugan: Pangngalan: Tiyan Halimbawa ng pangungusap: “Makatapos ng pasko’t bagong tao’y pahirapan nanaman magpaliit ng buyon” “Ano gang mga batang are’t kaikli ng suot, ay kita na ang mga buyon eh. ”
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 21 – Miha
Miha : (mee-hâ) Kahulugan: Pang Uri: Malambot, Mahina, Mabagal, Kulang sa enerhiya Halimbawa ng pangungusap: “Mimiha-miha nanaman ang mamay, nakapangain ng ginisang balatong.” “Ano ga namang batang are? Mimiha miha eh, kala mo’y hindi nagmamadali”
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 20 – Utay
Utay : (u-tahy) Kahulugan: Pang Abay: Unti Halimbawa ng pangungusap: “Utay-utay naman sa pulutan, nasa barikan ka ha? Wala sa pinik!” “Inutay-utay na nare ang pagkain sa ref eh, di na marunong magtira sa iba.”
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 19 – Iwarang
Iwarang : (ee-wah-rahng) Kahulugan: Pang Uri: Tabinge, Hindi pantay Halimbawa ng pangungusap: “Iwarang ang mga upuan pagkatapos ng laro ng mga estudyante.” “Ano gang likot ng batang are? Di pa nakakaalis ng bahay eh iwarang na agad ang damit eh!”
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 18 – Ngalngal
Ngalngal : (ngahl-ngahl) Kahulugan: Pangngalan: Sobrang pag-iyak. Hinagpis. Halimbawa ng pangungusap: “Ngangal ang bata nung makita ang panturok na dala ng doktor.” “Napalo ng inay ang aking bunsong kapatid, ngalngal eh!”
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 17 – Pangkal
Pangkal : (Pang-kahl) Kahulugan: Pang-Uri : Tamad Halimbawa ng pangungusap: “Napakapangkal naman ng batang are, maghuhugas lamang ng plato eh.” “Dine sa probinsya ng Batangas ay bawal ang pangkal.”
Read More »