Gayak : (gah-yak) Kahulugan: Pandiwa: Bihis, Handa Halimbawa ng pangungusap: “Are ga naman batang are’y ayaw pang gumayak eh tanghali na!” “Kasama sa gayak, iwan naman lagi sa lakad”
Read More »Mga salitang malimit gamitin ng isang tipikal na Batangenyo
Kung ang isang tipikal na Batangenyo ay mapapadayo sa mga bayang papar-on ay pihadong hindi pa din maaalis agad sa kanya ang pag gamit ng mga salitang kanyang nakasanayan. Kahit na kadalasa’y pinagkakatuwaan, hindi maintindihan o nagkakamali ng pakahulugan ang mga nakakarinig ay sadyang taas noo ang isang Batangenyo at …
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 15 – Tabig
Tabig : (tah-big) Kahulugan: Pandiwa: Dali, Danggil, Sagi, Tama Halimbawa ng pangungusap: Natabig ng bata ang kanyang kalaro kaya ito’y umiyak. Tinabig ng bida ang kalaban kaya ito nalaglag sa bangin.
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 14 – Tagaktak
Tagaktak : (tah-gahk-tahk) Kahulugan: Pandiwa: Daloy, Tulo Halimbawa ng pangungusap: Tagaktak ang pawis ng mga estudyanteng nagtatakbuhan sa labas tuwing oras ng tanghalian. Ang mga kabataan ngayo’y madalas nagpipipindot na lamang sa kanilang mga gadget at kaya di man lamang nakaranas ng tagaktak ang pawis sa pakikipaglaro sa mga kaibigan sa …
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 13 – Pagat
Pagat : (pah-gaht) Kahulugan: Pandiwa: Habol, hinabol, habulin Halimbawa ng pangungusap: Pagatin ng babae ang anak ng apo ng mamay dahil sa taglay nitong karisma. Pagat pagat ng kanyang nanay ang anak na patikar na sa pagtakbo dahil ayaw pumasok sa eskwelahan.
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 12 – Erehiya
Erehiya : (eh-reh-hee-yah) Kahulugan: Pangngalan: Pamahiin Halimbawa ng pangungusap: Erehiya ng mga matatanda’y wag ka nang tutuloy sa iyong lakad kapag nakasalubong ng pusang itim sapagkat kamalasan lamang ang aabutin mo. Ano ga’t ayaw maniwala ng batang ari sa sa erehiya eh wala namang mawawala.
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 11 – Damusak
Damusak : (dah-moo-sak) Kahulugan: Pandiwa: magkalat, magdumi Pang-Uri: makalat, marumi, magulo Halimbawa ng pangungusap: Damusak ang kusina dahil sa tumagas na tubig mula sa lababo. Nagdamusak na ang daan dahil sa walang tigil na pag ulan simula kagabi.
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 10 – Ampiyas
Ampiyas : (ahm-pee-yas) Kahulugan: Pangngalan: butil ng ulan o tubig na nadadala ng hangin, ambon Halimbawa ng pangungusap: Patuloy ang pag ampiyas ng ulan dahil sa lakas ng ulan. Sa bilis ng pagsasalita ng bata ay umaampiyas ang kanyang laway sa katabi.
Read More »