Banas : (bah-nas) Kahulugan: Pandiwa: Banasin. Pangabay: Binanas, Binabanas, Babanasin, Nainitan, Naiinitan, Maiinitan Pang Uri:Mainit na araw, Mabanas Halimbawa ng pangungusap: Binabanas ang mga tao kaya madalas silang magpuntahan sa dagat o ilog para magbabad. Hubad baro ang tambay sa labas dahil sobrang banas.
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 8 – Ligalig
Ligalig : (lee-gah-lig) Kahulugan: Pandiwa: Magulo, Makulit, Umiiyak Halimbawa ng pangungusap: Nagliligalig ang mga bata dahil sa init ng panahon.
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 7 – Hurindat
Hurindat : (hoo-rihn-daht) Kahulugan: Pang Uri; Hilo, Lito Halimbawa ng pangungusap: Hurindat na ang karamihan sa mga punong abala kaya naman maraming naiwang gamit sa kanilang opisina.
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 6 – Umis
Umis : (oo-mis) Kahulugan: Pangngalan;Ngiti, Ngisi Pandiwa; Ngumiti, Ngumisi Halimbawa ng pangungusap: Bigla na lamang siyang napaumis ng nabanggit ang pangalan ng kanyang iniibig. Ikaw ga? Anong nagpapaumis sa iyo?
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 5: Busilig
Busilig: (boo-sih-lig) Kahulugan: Pangngalan;Mata Halimbawa ng pangungusap: Ano ga namang labo ng iyong busilig? Nasa harap mo na ang hinahanap mo’y nakatingin ka pa sa malayo. Nangangati ang aking mga busilig, pihadong nahawaan na ako ng sore eyes.
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 4: Gitatâ
Gitatâ: (ahg-wahn-tah) Kahulugan: Pang-abay; Nanlalagkit, Narurumi. Halimbawa ng pangungusap: Dahil sa init ng panaho’y nanggigitatâ na ako sa pawis. Nakakapanggitatâ talaga kapagka ika’y babad sa initan.
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 3: Agwanta
Agwanta: (ahg-wahn-tah) Kahulugan: Pandiwa; Magtiis sa kung anong meron, tiis. Halimbawa ng pangungusap: Matutong mag agwanta para bukas may nadudukot pa sa bulsa. Agwanta na muna tayo sa gulay at isda. (Habang nanananghalian si Juan, nakagat sya ng guyam sa maselang parte ng katawan) Juan: Aray ko po! Kainaman …
Read More »Diksyunaryong Batangueño Ep 2: Bahite
Bahite : (ba-hi-teh) Kahulugan Panghalip; (1) Walang Pera. (2) Isang paraan ng pagsasabing wala na o kulang na sa perang panggastos. Halimbawa ng pag gamit sa pangungusap: Setyembre na! Siguradong bahite nanaman sa mga susunod na buwan. Bahite ang mga taga rine sa amin at katatapos laang ng fiesta. Kumpare …
Read More »