Kilala bilang “The Egg Basket of the Philippines,” ang San Jose, Batangas ang pangunahing pinagkukunan ng itlog ng Metro Manila at pati na rin ng ibang panig ng CALABARZON. Mabilis ang pag-unlad ng bayan na ito dahil sa industriyang pang-agrikultura.
Kilala rin ang San Jose sa St. Joseph the Patriarch Parish Church na may magandang seminaryo at hardin, at isa na sa mga Pilgrimage Destination ng Batangas.