Kung may diningding at pinakbet ang iba, dine sa atin ay may isa pang masarap na lutong bahay slash lutong gulay, walang iba kundi ang: BULANGLANG! Yup. Simple at madaling lutuin. Swak sa panlasa. Masustansya. Panalo di ga?
Madali lang itong iprepare. Pabubulakan or pakukuluin laang ang mga gulay and presto, may masarap na sabaw ka na. Kahit ano yatang gulay ay pwedeng isahog dito. Pero usually, ay ito ang karaniwang sangkap ng bulanglang: (string beans)sitaw, (squash) kalabasa, (gumbo) okra, (winged bean) kalamismis. Minsan may naglalagay din ng (eggplant) talong (yung araw araw na variety ng talong), (mushroom) mamarang, malunggay at ilan pang mga talbos o kaya naman yung iba pang mga beans gaya ng patani (kidney beans).
Sabi ng ilang mga nanay na nakausap ko, masarap daw ang bulanglang kapag ang sabaw ay nanggaling sa hugas bigas. Yung pa-second na hugas ng bigas bago ito isaing at isalang sa tungko o kalan.
Pinapasarap din syempre ng pinaghalong lasa ng (garlic) bawang at (ginger) luya (May iba palang naglalagay rin ng kamatis) ang swabeng sabaw ng bulanglang. Kung tutuusin ay isa siguro ito sa mga pinakamasustansyang pagkain dito sa atin. Purong gulay at zero kolesterol pa yata ang sabaw na ito.
Ito ang bulanglang, parang lutong basta na di ga pero pihong nakakamiss at minsa’y nakakatakam din ang sarap. Ito ang sabaw na gigising sa iyong ginaw at magpapalinamnam sa bawat pag-sakol mo ng bahaw. bow!
meron aqng tula dati…
ang mahiwagang bulanglang :))
naalala q lang sa article na ito
hi! Gerlie… 😉
Ms. Gerlie, nalimutan mo isahog ang balanoy at bagoong.(^_^)v
wala po bang bangoong ang bulanglang