Breaking News

Ang Gintong Aral

batangas jokes | kwentong barbero

Isang araw sa tambayan malapit sa tuklong, nagkwento si pareng NINO…

NINO: Dine sa Tuklong ay may puno ng kape na arugang-aroga pa ng Mamay. Sadyang pinapugadan sa hantik na guyam at pinabantayan sa bilot. Naulutang ngatain ng Mamay ang bubot na parang sinturis. Pasal na pasal. Nang bigla na lang siyang napaumis, humirindat at tuluyan ng nabang-aw. Bigla na lang nagpatikar, lumiban ng karsada kahit umaambon naglulupagi sa gabokan kaya puro libag, tubal na tubal, talipa ang sipit at gura.

Napadpad ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doon naulutang gamitin ang kawot para garutihin ang mga bangkalang. Pero liyo at parang barik na barik pa rin ang Mamay kaya naghamon pa ng panumbi. Wala namang kumana kaya pagerper na laang ang napagdiskitahan. Pagkatapos ng barokbokan, lungkuyin at hapong-hapo ang Mamay. Naging matalute ang usapan sa bayaran dahil mulay lang gustong ibayad ng Mamay. Nagkaribok na, nagwasang ang pagerper at tinangkab ang Mamay. Nagligalig ang Mamay dahil sa marami daw kato, amoy hawot at makati pa sa iladong tulingan. Dapat kitse lang daw ang bayad. Sa pagkabanas ay napaingles ang Mamay “I’m entitled for senior citizen discount”. Wala kang galang sa matanda, dapat kang ipabarangay. Siguro hindi ka taga Batangas ano? Naglabas na ng balisong ang Mamay…

Yun.. Hanggang dine na laang ang alam ko… 🙂

NINO: Sana ay naintindihan ninyo ang 52 Batangueno words at nakapulot kayo ng gintong aral

TOTO: Teka, yung 52 Batangueno words naintindihan namin gawa ng purong Batangueño kami pero ano ga yung gintong aral dine?

NINO: Ala ako’y taga-pagkwento laang, bat hindi ninyo na lang tanungin ang Mamay.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Freshest Agri and Livestock Produce Available at Padre Garcia’s Pick & Go Farm

The “Cattle Trading Capital of the Philippines”, the Municipality of Padre Garcia, Batangas, has yet …

No comments

  1. ay ang ganda naman ng kwento

  2. kakaigi naring iyong kwento, ay nauunawaan ko eh, sa tanda ko na bagang ire di ko pa ga mapapagtanto ang sinasabi mo..salamat totoy at pag igihin mo ulit ang sunod na kwento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.