Breaking News

Anatomiya ng Saranggola/Bulador

Tuwing bakasyon, madalas tayong nakakakita ng mga animo’y mga eroplanong makukulay na nagliliparan sa himpapawid. Nakagawian na din kasi dito sa Batangas lalo sa mga kabataan at mga pusong bata na magpalipad ng saranggola o bulador. Iba-ibang klase ang bulador, mayroong gawa sa tingting, mayroong yari sa kawayan at mas malaki, meron ding gumagamit ng dyaryo bilang pabalat at mayroon din namang gawa sa plastic pero alam mo ba ang tawag sa mga bahagi nito?

Noong isang linggo ay napatungo kami sa Brgy. Trapiche, Tanauan City, Batangas dahil napukaw kami sa dami ng mga kabataang nagpapalipad ng saranggola na di na gasinong karaniwan ngayon.
Paripa / Baskagan – ito ang nagsisilbing pakpak na syang pangunahing parte ng ating bulador.
Parisukat – Taling nakakonekta sa pinakadugsungan ng paripa sa gitnang kawayan. Ito ay nakaanggulo dapat ng tama upang makasagap ng sapat na hangin ang bulador at dito rin kinokonekta ang tali sa ating pulunan.
Sumba – Isang kawayan na may nakatali sa dalawang dulo na syang nagliliha ng mala sipol na tunog kapag malakas ang hangin.
Kiling – Ang kiling ay ang pagpaling ng saranggola o bulador sa isang direksyon na dahil sa di pagkakabalanse ng paripa o baskagan. Upang ito’y maging balanse nilalagyan ng kontra-kiling sa kabilang bahagi kung saan ito may kiling.
Pabalat – Ito ang nagbibigay kulay at disenyo sa ating saranggola o bulador, sya ding nagiging pangsagap natin ng hangin.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.