Breaking News

Delia: Apatnapung Taong Serbisyo Sa Kulturang Taal

Hindi man tubong-Batangas, mahigit apatnapung taon nang nananahi si Delia dela Cruz Morales sa ating probinsya at isa siya sa mga awtentikadong mananahing-Taaleña  sa palengke ng Taal.

Tubong-Quezon pa, unang lumipat noon si “Nanay Delia” sa Lemery, Batangas noong 1979. Mahigit dalawampung taon siyang pumuwesto sa bayang iyon at nanguna muna sa pananahi ng mga unipormeng pampaaralan at mga pang-istablisyimento.

Sumantagal, nagkapwesto si Nanay Delia sa palengke ng Taal at ipinagpatuloy ang pananahi. Sa paraang iyon niya napatapos ang dalawa sa tatlong niyang mga anak at patuloy pa rin nananahi para naman sa mga apo.

Nang matanong tungkol sa mga pagbabago at epektong nasaksihan niya sa Taal, nakita ni Nanay Delia ang pag-unti na ng mga mananahing may alam ng pagbuburda. Pabata na nang pabata ang mga nananahi o di kaya ay ang mga napagpasahan ng kaalaman ay dumarayo naman sa ibang lugar para sa mas marami pang oportunidad. Gayundin, pinapasok na ng mga produktong-angkat din ang palengke mula sa iba’t ibang lugar dahil madalas na nire-request ito ng mga customer o di kaya ay dahil mas mura at paiibahing disenyo na lamang.

Pero dahil sa mga katulad na mananahi ni Nanay Delia, buhay pa rin ang tahing-Taal.

Pamula damit na yari hanggang burda ng disenyo, napagmamalaki niyang orihinal niyang likha lahat ng pinarerenta o ibinebenta niya sa mga tumatangkilik sa kanya. Ang awtentikasyon ng kanyang mga tinahi at natapos ay pagpapatibay ng kultura at yaman na hinding hindi mahihimlay hangga’t may bumubuhay.

“Kahit maliit at iisa lamang ang pwesto ko rito, sa akin lang ang gawa ko at pansinin mong wala itong katulad sa ibang tindahan dyan. Di ko pinipigilan ang iba bumili sa iba, pero itong akin, gawang akin,” ilan sa mga salita ng isang makabayan.

Mabuhay ka, Nanay Delia.

About Associate Editor

Edge An is the Associate Editor of WOWBatangas.com. If you have any concerns, reach him through his email editor@likhainternet.com

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.