Breaking News

Graffiti Artpiece ng isang Lipeño at ang mensahe ng pagbangon

Sa panahon ngayon, madalas ang ating mga mensahe’y ating ipinaaabot sa pamamagitan ng Social Media pero kakaiba ang naisip ni King Jaed Miranda, isang Freelance Visual Artist sa Brgy. San Jose, Lipa City, Batangas.

Dalawang oras nyang binuno ang isang graffiti sa pader ng isang bahay upang ipahatid ang positibong mensahe ng pagbangon para sa lahat ng taong makakakita nito.

Bukod sa makapagbigay ng positibong mensahe at makapag-encourage ng tao para magpatuloy sa labang kinakaharap natin dulot ng COVID19 Pandemic ay nais din nyang baguhin ang tingin ng tao sa mga Murals o Graffiti. Kadalasan kasi ay tinitingnan ito ng publiko bilang bandalismo at hindi nauunawaan na ito’y isang form ng pagbabahagi ng mensahe ng isang artist.

Para sa kanya, importante ang positibong pag iisip sa panahong ito dahil ito ang makakatulong sa atin para mas madali ang ating pagbangon mula sa sunod sunod na sakuna ngayong taon.

Ito pa ang ilan sa kanyang mga likhang sining:

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

One comment

  1. Hi! This is a very good article that can potentially reach a wide market! I only suggest that you also include the artist name and where can the people reach them (fb page, instagram, etc.) Thank you again for sharing this!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.