Breaking News

Janina Sanico at ang kanyang Organic Paints | Malaking Pulo, Tanauan City

“Nagstart ako ng pagdo-drawing noong Elementary days kasi noong bata ako mahilig akong magdrawing ng kung ano yung nakikita ko. May nakapansin na teacher sa mga gawa ko tapos sinali nila ako sa contest at nanalo ako noon. Doon na nagsimula na binigyan ako ng atensyon ng mga teachers at ng pamilya ko.

Noong Elementary nagsimula ako sa uling at dingding tapos nagkaroon na ng lapis at krayola. Isang beses nanalo ako sa isang contest ng isang bookstore, nabigyan ako ng mas marami pang gamit kaya nasubukan ko din yung ibang medium.

Noong elementary days parang puro good vibes yung nangyayari sakin kasi sa klase namin ako lang ang marunong magdrawing. Pero noong tumagal ang panahon, dumating din yung mga dark days ko bilang isang artist. Noong mga panahon na yun hindi ako nananalo kaya bigla akong sumuko sabi ko sa sarili ko ayoko na kasi parang hindi na para sa akin to.

Noong pumasok ako ng Highschool nagkaroon ako ng kasangga, yun yung MAPEH teacher ko. Noong nakita nya na nakakapagdrawing ako sa mga projects nya binigyan nya ako ng atensyon. Sabi nya sumali ako ng contest na kahit na ayaw ko noong oras na yun ay na-push nya ako. Hanggang sa napapansin ko na naeenhance ako kaya tinuloy tuloy ko na rin. After noong training naming, sinali nya ako sa contest at hindi man ako first noong contest na yun pumasok naman ako sa Top 5 kaya naboost yung sarili ko. Itinuloy tuloy ko sa tulong ni ma’am at bago ako maggraduate ng Highschool ay magaganda na yung mga naging achievements ko.

Isa sa mga pinopromote ko yung organic paints tulad ng kape, luyang dilaw, atsuete at uling. Nilalaro laro ko sila sa mga artworks na ginagawa ko. Nagstart po yung pag gamit ko ng organic paints noong pumasok ako ng college. May isang museum dun na nagpaworkshop about sa kapeng barako kaya nag ka ideya ako.

Yung kape kasi iisang kulay lang sya kaya nagresearch ako. Nalaman ko na yung atsuete at yung luyang dilaw, kahit mga edible sila pwede mo gamitin para makalikha ng kulay. Sa ngayon mayroon na akong set ng warm colors. Hanggang ngayon pinagpapatuloy ko pa din yung Organic Paints kasi gusto ko mabuo yung Color Wheel. Yung Green at Blue pigments ay pinag aaralan ko din kasi kailangan din iconsider kung gaano kahaba yung panahon na itatagal noong artwork.

Bilang isang Artist dapat mayroon kang maicontribute ka sa Art Industry. Isa sa mga inspirasyon ko sa pag gamit ng Organic Paint ay yung mga panahon walang wala kami kasi yung mga Organic Paint mas mura kaysa sa ibang Medium. Kaya para sa akin hindi mo pupwedeng idahilan sa akin na wala kang pera kaya di ka makakapag drawing.

Isa sa mga naging struggle ko sa pagiging artist yung conflict nito sa aking nakuhang kurso kasi isa akong licensed teacher pero bakit andito ako ngayon sa Visual Artistry. Ang sa akin naman po ay kung ano yung gusto mo na gawin sa iyong buhay ay yun ang sundin mo, nagkataon lang na pagiging teacher yung nakuha kong kurso pero nagagamit ko pa din naman po yun sa pamamagitan ng pagtuturo ng art.

Isa sa mga di ko makakalimutan na experience bilang isang Visual Artist ay yung narecognize yung artworks ko ng isang Museum sa Calamba na hindi ko akalain na ginagawa din pala ni Jose Rizal yung paggamit ng Organic Painting. Ininvite nila ako para mashowcase yung ganung klaseng art style at narecognize naman sya ng mga taga National Historical Commission of the Philippines.

Bilang artist darating sa punto na hahadlang sayo, kung dumating yung point na yun ng buhay sayo ay wag mong susukuan, kailangan mong labanan. Kung matulad man sila sa sitwasyon ko bilang teacher, pagkatiwalaan lang natin yung tadhanang ibinigay sa atin ni God. Tuloy lang kayo at follow your heart always.” – Janina Sanico | Visual Artist

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

“Catch Me I’m Falling Project” Mitigates Water Shortage in Alitagtag Public School

Through the efforts of Alitagtag Local Water Utilities Administration Chairman Mr. Ronnie Ong, its board …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.