Breaking News

Karera de Paso, bagong tampok ng turismo ng Agoncillo

Ginanap ang kauna-unahang Karera de Paso sa Agoncillo, Batangas na dinaluhan ng mga karerista at mga turista mula sa iba’t-ibang lugar sa Batangas at ibang probinsya.

Ang Paso (trot) ay ang pagsulong ng isang kabayo na mas mabilis pa sa natural na paglakad pero mas mabagal sa karaniwang pagtakbo. Lulan ng tiburin (magaang karwahe) ang mga hinete na siya namang nagco-control sa tulin ng mga kabayo.

“Matagal na naman itong ginagawa (sa ibang lugar), kaya naisipan ko lang na bakit hindi natin dalhin dito sa bayan natin”, ani Ginoong Arthur Mendoza, residente ng Agoncillo at enthusiast ng pangangalaga at pangangarera ng kabayo.

Ang karera ng mga kabayo ay naka-ugalian na sa mga kalapit na bayan. Sa katunayan, kilala na ang mga Batanguenong hinete at handlers sa ibang probinsya. Ang pagtatampok ng naturang kaganapan sa bayan ng Agoncillo ay hindi lamang nagdulot ng pagbisita ng mga turista, manapa’y naipakilala din nito ang Agoncillo bilang umuunlad na bayan na hindi nakakalimot sa mga tradisyon. 

Ani Mayor  Cindy Reyes isa rin sa mga layunin ng  nasabing aktibidad ang mapalago at mapagyaman ang turismong kultural ng Bayan ng Agoncillo. “Makakatulong din ito sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho noong pagputok ng bulkan at nitong pandemya: Maaring gawin nila alternatibong hanapbuhay ang pangangalaga ng mga kabayo,” dagdag ni Vice Mayor Dan Reyes.s

Lingid sa kaalaman ng karamihan, dapat ay noong 73rd founding anniversary pa ng bayan ito naka-schedule na ipinagpaliban muna sanhi ng pagputok ng Bulkang Taal at ng mahigpit na social restrictions dulot ng pandemya.

Ngayong maayos na ang lagay ng bulkan at mababa na rin ang Covid 19 cases sa lugar, napagpasyahan ng lokal na pamahalaan na ituloy ang Karera ng Kabayo sa Barangay Bangin.

Dinaluhan ang Karera De Paso ng higit 40 na hinete mula pa sa mga iba’t ibang bayan ng Batangas, lumahok din ang ilang kareristang buhat pa ng Bicol, Pampanga at iba pang probinsya.

Mapapansing buhay na buhay ang turismo sa Agoncillo, nakakatuwa ding isipin na ang ilan sa mga na-displaced na kabayo— mga kabayong ginagamit noon bilang parte ng turismo sa Volcano Island— ay nabibigyan hindi lang ng pansin, kundi ng bago at makabuluhang silbi at layunin.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

Super Health Center Rises In Taysan, Batangas

Senator Christopher Lawrence “Bong” Go, DOH ASec Dr. Ariel I. Valencia, and Taysan, Batangas Mayor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.