Breaking News

Masaguitsit, wagi sa tagisan ng talento sa Miss Lobo Foundation 2019 Talent Night

Modernong bersyon ng Pandanggong sayaw ang nakapagkamit ng kampeonato at 3,000 piso na premyo sa pambatong kandidata ng Barangay Masaguitsit sa Miss Lobo Foundation 2019.

Napanalunan kagabi ni Gwen Yves Macatangay ang pabor ng mga hurado at manonood sa kanyang makabagong Pandanggo na sinundan naman sa ikalawang pwesto ni Kimberly Mae Dueñas ng Barangay Mabilog na Bundok na nag-uwi naman ng 2,000 piso. Si Rhealyn Panaligan ng Barangay Nagtoctoc ang nagkamit ng ikatlong pwesto na sinamahan ng 1,000 piso.

Dalawampu’t dalawang kandidata ang nagpahusayan ng kani-kanilang mga talento na hinusgahan ng mga huradong sina Antonio “Pakbet” Bathan, semi-finalist ng Pilipinas Got Talent 6, Philip “Shadow Ace” Galit, grand finalist ng Asia’s Got Talent, at tanyag na “Light Artist” na si Raphael Dela Cruz na lahat ay nagbahagi rin ng talento sa kanilang mga pampasiglang bilang.

Pinangunahan at pinasigla ang buong patimpalak ng mga sikat na personalidad sa telebisyon na sina Eric Nicolas at Matmat Centino.

Kokoronahan sa Setyembre 26 ang kandidatang makapag-uuwi ng titulong Miss Lobo Foundation 2019 na pagbibidahan din ng iba’t ibang mga panauhin para pasiglahin ang isang linggong selebrasyon ng pagkakatatag ng Lobo.

Photos by Ryan Tibayan and Kristian Mendoza

About Associate Editor

Edge An is the Associate Editor of WOWBatangas.com. If you have any concerns, reach him through his email editor@likhainternet.com

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.