Breaking News

Obra mula sa Puso at ang Grupo Sining Batangueño

Grupo Sining Batangueño

Bukod sa Araw ng mga Puso tuwing ika-14 ng Pebrero ay isa din sa ating ipinagdiriwang ang National Art’s Month tuwing buong buwan ng Pebrero. Kaya naman tinipon namin ang mga mahuhusay na likhang sining ng mga Batangenyo Artist mula sa Grupo Singing Batangueño .

Ang Grupo Sining Batangueño  (GSB) ay sinimulan ng mga magkakaibigang artist mula sa Taal noong September 2011 na may pare-parehas na hilig sa paggawa ng Obra Maestra. Nakilala namin si Sir Jorge Banawa mula sa Taal at Sir Lino Acacia mula sa Lemery na kapwa bahagi ng pagkakatatag ng Grupo Sining Batangueño.

Noong 2014 ay naimbitahan si Sir Lino Acacia at Sir Virgilio Quizon ng kagalang galang na Gobernador Hermilando Mandanas upang sila ang manguna sa pagpapasinaya ng Visual Arts dito sa atin  sa Batangas. Nagbigay daan ito upang mas mapadami ang kanilang miyembro at mapalaganap ang Visual Arts dito sa ating Probinsya.

Kasama ang kanilang mga miyembro ay tumutulong sila sa mga proyektong pang-kultura dito sa atin at nagtuturo din sila sa mga kabataan ng pagpipinta.

Narito ang ilan sa kanilang mahuhusay na Obra Maestra :

Title: Magkabilang Mundo
Artist: Joseph Albao
Medium: Oil on Canvas
Size: 36×48 inchesMagkaiba man ng paniniwala, pinagmulan at lahi, Magkasundo naman sa pag-ibig
Title : KRISTO
Artist : Edward L. Padilla JRThe greatest love of God has given to us where He gave us His only Son to save us on our sins. The greatest love where Lord Jesus sacrifice His own life in the benefits of Thy loved creation.
Title: PASTOL
Artist: Edward L. PadillaThe love of God is unique and endless. Though we are sinners and weak, the love and protection of God is always with us. Thy show us and lead us to the right path to go through. Thy even carry us in times of trouble and despair.
Title: “ARUGA”
Artist: Jerwind Magnaye
Medium: Acrylic on canvas
Size: 12″x12″
Year: 2017Walang kapantay na.pagmamahal.
Mahigpit na yakap na aking dasal.
Inay at itay salamat sa magandang asal.
Pag aruga nyo ay biyaya at hindi sugal
Title: “DUNGAW”
Artist: Jerwind Magnaye
Medium: Acrylic on canvas
Size: 18″x24″
Year: 2017Ikaw ay palaging sinusulyapan araw araw.
bawat gawin ko ikaw ang tanglaw.
Paggising ko sa umaga at akoy dumungaw.
Para bang kumpleto na ako makita lang ikaw
Title: “LIGAW
Artist: Jerwind Magnaye
Medium: Acrylic on canvas
Size: 12″x12”
Year: 2017Ang gabi ay gagawin kong araw.
Aaralin kong kumanta at sumayaw.
Aakyat ako ng ligaw
Dahil puso ko mahal kita ang sigaw
Title: Irog
Artist: Joseph Albao
Oil on Canvas
40×72 inchesPag-ibig na tinatanaw ang kanilang bukas na haharapin. At pag ibig sa pagpapaunlad ng kanilang tinubuang lupa
Title: Magkabilang Mundo
Artist: Joseph Albao
Medium: Oil on Canvas
Size: 36×48 inchesMagkaiba man ng paniniwala, pinagmulan at lahi, Magkasundo naman sa pag-ibig
Title: The Birth of Hope
Artist: Joseph Albao
Medium: Oil on canvas
Sizes: 30×30 inchesKelangan mo lang tingnan ang ang ganda ng iyong pamilya at liwanag na biyaya ng dyos upang makita ang tunay na pag-ibig at kapayapaang hinahanap mo
Title: Unconditional Love
Artist: Joseph Albao
Medium: Oil on canvas
Sizes: 36×30 inchesWalang hanggang pag ibig mula sa kanyang ina at pagbabalik ng pag ibig mula naman sa kanyang anak.
Title: TIYA
Artist: Raymond Robles
Medium: Coffee on BERELY BOARD
Size: 15X20
Title: Pamilyang lipenio
Artist: William Abao
Medium: Acrylic on canvas
Size: 3x2ftPag ibig ng magulang…pagmumulat sa trdisyon at pananampalataya sa lumikha
Title: kaPUSO
Artist: Yel Cast
Medium: Coffee On Canvas
Size: 18 X 24Ibat iba man ang ating kulay at pinagmulan.
Minsan sa mga usapan di magkaintindihan.
Masaya man o mahirap ating pinagdadaanan.
Halika ka Kape tayo kaibigan at ating PUSUAN
Title: Liebe
Artist: Zorrick
Medium: Oil on Canvas
Size:30 x 24 inchesPeace is the beauty of life. It is sunshine. It is the smile of a child, the love of a mother, the joy of a father, the togetherness of a family. It is the advancement of man, the victory of a just cause, the triumph of truth.

-Menachem Begin

Artist: Janet Arboleda-Ballecer
Title: Inang Kalikasan
Medium: Mixed MediaDescription: Pagmamahal na di matutumbasan, Pagmamahal na walang hanggan, at Pagmamahal na dapat pinakaiingatan…pagmamahal sa pamilya at sa kalikasan…
Title : Fishing Time
Artist: Raleigh Noel Astillero
Medium : OIL on canvasDescription: Isang pangkaraniwang tanawin sa batangas bay.marangal na hanap buhay.na isa dapat ipagmalaki natin.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

National Food Showdown Flaunts Batangueno Cuisine, Pushes for Local Delicacy Innovations

University of Batangas- Lipa Campus hosted the 15th National Food Showdown (NFS) with a theme …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.