Breaking News

Pagpapasinaya ng Bantayog-Wika sa Probinsya ng Batangas

Kahapon, ika-23 ng Agosto, taon 2018 ay pinasinayaan ang Bantayog-Wika sa Liwasang Laurel, Gulod Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.

Ang Bantayog-Wika ay proyekto ng Opisina ni Senadora Loren B Legarda at ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) kasama ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, na naglalayong isamonumento  ang mga katutubong wika ng Filipinas sa pamamagitan ng pisikal na estrukturang sasagisag sa halaga ng wikang katutubo bilang baul ng yaman ng katutubong kaalaman, halaga, gawi, tradisyon at kasaysayan ng mga Filipino.

Idinadambana nito ang isang dakilang pamanang-bayan ng bansa na nagtataglay ng mahalagang papel sa pagbuo at pagpapatibay ng pambansang identidad. Bukod sa pagsalamin nito sa yaman ng mga wika, kakikitahan din ito ng mga kaalamang pangkultura ng pamayanang kinapapalooban nila. Minimithi nitong pag-alabin ang tangkilik at pagpapahalaga ng mga Filipino sa yamang nakapaloob sa kanilang mga katutubong wika at kultura.

Naroon sa pagpapasinaya ang kagalang galang na Abo. Sylvia M. Marasigan | Puno – Tanggapan ng Panlalawigang Turismo at Ugnayang Pangkultura, Prop. Cecil Dimasacat | Direktor – Sentro ng Wika at Kultura, Dok. Purificacion D. Delima | Komisyuner, KWF, Kgg. Gobernador Hermilando Mandanas, Abo. Harry Roque | Tagapagsalita ng Pangulo ng Filipinas

Ito ang ikawalong Bantayog-Wika sa buong pilipinas at marami pang itatayong ganito sa mga susunod pang panahon sa iba’t ibang lugar sa pilipinas.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.