Breaking News

Pambihirang Obra sa Puntod Sa Sambat, San Pascual, Batangas

Bago pa man sumapit ang Araw ng Undas ay kadalasang pinuntahan na natin ang mga puntod ng ating mga mahal sa buhay upang maglinis at pagmukhaing bago. Kadalasa’y tinatanggalan ng mga damo, nililinis at pinipinturahan ng puti ang mga nitso ng ating mga yumaong mahal sa buhay.

Sa Holy Cross Cemetery, Sambat, San Pascual, Batangas ay agaw pansin ang kakaibang puntod na tila naging art exhibit ng magpipinsang Jericho Castillo Magnaye, Jerwin Castillo Magnaye at Yel Macalindol Castillo na pawang mga apo ng mga nakalibing sa puntod na sina Ildefonso T Castillo at Arcadia V. Castillo at mga Visual Artists Grupo Sining Batangenyo at Arte Bauan. Ito’y bilang pagpupugay at pagbibigay saya ng mga apo sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay at pag eexpress na din ng Likhang sining bilang mga Batangenyo Artists dine sa atin.

Tampok sa Obra sa Puntod ang angel na may hawak na flute na nakasakay sa ulap. Simbolo ng bawat mahal natin na sumakabilang buhay ay guide at angel (Obra ni Jerwind Castillo Magnaye. Pamilya na nakatingin sa santo na may hawak na bibliya at musical instrument. Para iparating at hikayatin na lahat tayo ay magbasa at isabuhay ang mga aral sa bible (Obra ni Jericho Castillo Magnaye. Mukha ni Jesus na makulay. Pagpapakita na masaya ang buhay kapag kasama sa buhay si Jesus. Buhay na buhay ang buhay kasama si Jesus ( Obra ni YelCast). Puno at Dahon. Simbulo na para makapunta sa nais  puntahan. Kailangan lumingon sa pinang galingan. Hindi ka nandyan na hanggang dyan ka lang (Obra ni YelCast). Pira pirasong kulay bughaw na simbulo na ibat iba ang ating pagkatao..pero iisa ang centro ng buhay natin kundi si Jesus (Obra ni YelCast)

Bilang mga tagapag taguyo ng Art dito sa Batangas ay nag eexhibit sila sa iba’t ibang lugal dine sa Batangas at kadalasa’y hindi naman napupuntahan ng iba nating kababayan. Kaya ito’y sinamantala na nila upang makapagpakita ng Batangenyo Art sa publiko at makapagpromote ng kagandahan at gamit ng sining at husay ng mga Artist dine sa Batangas.

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.