San Juan, Batangas
February 19, 2025
Natunghayaan ng mga imbitadong kabataan mula sa iba’t ibang paraalan ang mahuhusay na mananayaw mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na tampok sa Sayaw Pinoy 2025.
Ang Sayaw Pinoy 2025 ay isang programa ng National Committee on Dance ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA). Inilunsad ito noong Pebrero 2006, patuloy itong nagbibigay ng inspirasyon at pagpapahalaga sa sining ng sayaw sa loob ng 16 na taon.
Layunin ng Sayaw Pinoy na: Pagsamahin sa isang entablado ang iba’t ibang anyo ng sayaw tulad ng folkdance, classical ballet, contemporary, modern, jazz, lyrical, tap, ballroom, at hip-hop.
Magbigay ng pagkakataon para sa interaksyon ng mga batikang mananayaw at bagong talento mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Dalhin ang de-kalidad na pagtatanghal ng sayaw sa iba’t ibang lungsod at bayan ng Pilipinas.
Palakasin ang pagtangkilik at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino sa pamamagitan ng sayaw.
Layunin din nito na maipakilala at maipakita ang iba’t ibang klase ng Pilipinong Sayaw at mas makapaghimok ng mga kabataan sa mga ganitong klase ng artforms.
Ilan sa mga kalahok na nagpakitang gilas ay ang mga sumusunod: Halili-Cruz Dance Company, Sindaw Philippines Performing Arts Guild, UE Silanganan Dance Troupe, UST Salinggawi Dance Troupe, SayawJuan San Juan Performing Arts Group, at ang Palahanan Integrated National High School!
Higit pa sa isang palabas, ang Sayaw Pinoy ay isang pagdiriwang ng ating pagka-Pilipino, isang patunay na ang sining ng sayaw ay patuloy na nabubuhay at lumalago sa ating bansa. Sa bawat indak at kumpas, isinasalaysay natin ang ating kasaysayan, ipinagmamalaki ang ating kultura, at binibigyang-pugay ang sining ng sayaw bilang bahagi ng ating pambansang identidad.