Breaking News

Kambing ni Mang Tomas

maikling kwento

Si Toto ay isang mabait at masunuring bata. Mula sya sa isang karaniwan at di gaanong mayamang pamilya. Ang Tatay nya ay isang magsasaka at nagtitinda sa palengke ang kanyang ina. Tulad ng mga tauhan sa ibang mga kwento, madami syang kaibigan. Pero di sila kasali sa maikling kwentong ito, kundi si Toto at ang kanyang mga maikling kwento. Kwentong nakukuha nya sa panaginip. Mga kwentong kapupulutan ga ng aral.


Ang Kambing at si Mang Tomas

Isang gabing makulimlim ang kalangitan. Pero mainit kaya’t nanliligo na sa pawis ang natutulogna si Toto. Bigla syang tumagilid nang higa sa kanilang matigas na papag. Kasabay ng paggalaw ng katawan nya ay ang isang panaginip.
……………………
Kakatapos lang ni Mang Tomas na magpost sa facebook. “Magandang umaga sa mga taga-ilaya at ibaba.”, ang bungad nya. Lumabas sya ng kamalig para gatasan ang paborito nyang kambing. “Kainaman kang kambing ka ah!. Dapat madami ka ng gatas ah. kapiranggot laang ang binibigay mo! tsk.”, wika ni MangTomas sa kambing na nanlalambot na.

Nasabi ng kambing sa sarili, “Hindi naman ho ninyo ako pinapakain nang ayos. Nanghihina na po ako. Pinipilit ko naming gawin ang nais nyo kaya lang di nyo naman ginagawa ang dapat nyong gawin. Hingi kayo nang hingi di naman kayo marunong magbigay. Nagrereklamo pa kayo kapag konti ang nakukuha nyong gatas.”

“Haay… dalawang balde lang ang nakuha ko. Ano ba naman yan. Wala kang pinagkaiba sakambing ni Pareng Tasyo. Ang damot magbigay ng gatas.” ika ni Mang Tomas.

“E yan lng ho ang kaya kong ibigay eh. Tsaka, hindi po ba marami na din yan. Sobra na po binigayko at gusto nyo dagdagan ko pa kahit wala naman akong nakukuha sa inyo. Pakainin nyo naman ako.Hingi kayo nang hingi, di naman kayo marunong magbigay.”, Isip-isip na laang ng kambing. Isipan na paikot-ikot na sa sobrang kagutuman.

maikling kwentoLumipas ang mga araw at buwan. Di ko na alam kung ilang buwan. (nawiwindang kasi minsan si Pareng Toto eh) . Narrator ang nagsalita ah. Hindi yung kambing. Kawawa naman kung pati si Toto magagalit pa sa kanya.
Isang umaga, pagkagising ni Mang Tomas, agad syang lumabas ng kamalig. Tuwang-tuwa na naman sya at makakakuha na naman sya ng gatas sa kanyang PABORITONG kambing. Ngunit nadatnan nya ang kambing na matigas na ang katawan, dilat ang mata, at maputla ang mga labi. Namatay ang kambing na di man laang nakain ang almusal nyang kulape.

Laking panghihinayang ni Mang Tomas na nawala ang kambing na nakukunan nya ng gatas.Gatas na dahilan para bumangon sya sa umaga. Gatas na lagi nyang iniinom. Gatas na nagbibigay sakanya ng lakas. Gatas na hindi na nya matitikman ngayong wala na ang kanyang kambing.

“Sana inalagaan ko sya nang ayos at hindi ko hinayaang mawala.”

Nagising si Toto sa ingay ng kanilang kambing. Umaga na pala.

Moral Lesson: Wag nating pabayaan ang mga tao, hayop o bagay man na nagpapasaya sa ‘tin. Atin silang alagaan para kung mawala man sila sa huli ay wala tayong pagsisihan.

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Mt. Batulao at Nasugbu, Batangas

Owing to the exposed nature of Batangas’ friendly mountain trails and summits, Mt. Batulao, situated …

No comments

  1. hi……… its so nice story i love it

  2. i wont to an arties pls help me

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.