Tagaktak : (tah-gahk-tahk)
Kahulugan:
Pandiwa: Daloy, Tulo
Halimbawa ng pangungusap:
Tagaktak ang pawis ng mga estudyanteng nagtatakbuhan sa labas tuwing oras ng tanghalian.
Ang mga kabataan ngayo’y madalas nagpipipindot na lamang sa kanilang mga gadget at kaya di man lamang nakaranas ng tagaktak ang pawis sa pakikipaglaro sa mga kaibigan sa labas.