Breaking News

Teach mi haw to Dogi (Mga Banat ni Toto)

Teach me how to Dogie

Isang araw, habang naglalakad si Ming ay napatapat sya sa isang malaking pet shop. Nakita nya ang mga pets na pedeng alagaan pero napako ang kanyang atensyon sa mga aso. Ang daming magagandang aso ang nandun. May shihtzu, pitbull, dalmatian at kung anu-ano pa. Nasabi nya sa sarili na mag-iipon sya para bumili ng isa sa mga aso. At, nagpatuloy sya sa paglalakad.

Dumaan ang mga araw at nakaipon si Ming ng pambili ng nagustuhan nyang aso. Nagpaalam sya sa kanyang Nanay at pumunta sa pet shop.

Pagdating duon, bibili na sana si Ming nang may nakasabay na isang mayamang bata na gusto ding bumili ng aso. Sinabi ng Papa nito na bibili na sila dahil mayaman naman sila at kaya nila itong alagaan.

Napaisip bigla si Ming.

“Kaya ko bang alagaan ang bibilhin kong aso? Hindi naman ako mayaman. Nag-ipon nga lang ako para makabili?”

Tulala si Ming hanggang sa napansin nya na tinapik sya ng may ari ng pet shop. May sinabi ito sa kanya.

“Walang pakialam ang isang tao kung ikaw ay mahirap o mayaman. Kung ikaw ah edukado o walang pinag-aralan. Ibigay mo ang pagmamahal mo sa kanya at susuklian ka nya nito.”

Napangiti si Ming sabay dukot sa pitaka ng perang pamabayad para sa aso.

Umalis sya ng pet shop na may ngiti sa mukha at may bagong kaibigan.

Moral Lesson: Sa totoong buhay, mga mga tao na puro material na bagay ang tinitingan. Merong puro may batayan kung sino ang pakikisamahan at kung sino ang pipiliin. Pero meron din namang di tumitingin sa kung anong meron at wala ka. Mahalin mo sila ng totoo at mamahalin ka din nila. Bakit mo gagawing kumplikado ang lahat di ba?

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Music Blog: Songs About Being a Hero in Various Ways

Today is National Heroes Day in the Philippines. Being a hero can be shown in …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.