Ang pinakamahirap na stage ng isang relasyon ay ang pagtatapos nito. Obviously. Pero paano kung ito na lang ang solusyon para maisalba mo ang pride at respeto n’yo sa isa’t isa?
Dear Miong and Julieta,
Gusto ko lamang po sanang malaman kung paano po ba makipagbreak sa girlfriend. Yung pinakamainam na paraan na hindi siya masasaktan. O kung masaktan man siya ay slight lang.
Madami na din po kasi kaming pinag daanan na hindi na ganoon kaaya aya. Binulag na din ng kung ano anong issue ang aming pagtitinginan sa isa’t isa. At sabi nga ng mga nakakatanda, don’t prolong the agony.
And I will not prolong mine dahil alam kong lalong lalalim lamang ang sugat naming ito.
As a matter of fact, prolonged na po pala. We’ ve been fighting over the smallest of things na. Ultimong hindi pagtetext ay pinag aawayan na namin, lagi naman kaming nagkikita. Para kaming mga lasing na high school. Nakakairita na baga, siguro po dahil high school pa lang kami nagkakilala at nagkaibigan and we’ve matured not only sa age, sa pagiisip pero malamang ay sa pakiramdama na rin.
We’ve been together for the past 10 years na and we’ve been hurting for the last 4 of it and I don’t want to hurt her and myself in the years to come. At ang tanging nakikita ko pong solusyon ay ang paglalagay ng tuldok sa aming relasyon. Hindi comma, hindi ellipses… nahihirapan lang talaga akong mag initiate ng mga bagay bagay, lalo na kung ganito ka seryoso at kalala.
Nawa po ay ako’y inyong matulungan gaya ng ginagawa nyo sa ibang tao na may problema din sa pag-ibig. Maraming salamat at pagpalain po kayo!
Emperador Alfonso
Hey Emperador Alfonso,
Marami na akong kakilala na mga kaibigan ko na nasa ganyang stage ng relationship, ika nga’y andun kayo sa winter part ng relationship or dun sa “nanlalamig” na part.
Dalawa ang pwedeng kalabasan ng part ng relationship na yan. Either magtuloy kayo and you make it or lagyan na lang ng tuldok agad ang relasyon ninyo. As in tuldok. Period.
Alam mo kasi malayo na ang narating ng relasyon nyo, isipin mo 10 years na kayong dalawa, napakatagal na rin. Sayang naman kung tatapusin ninyo ng ganun na lang. Maari kayong magusap ng maayos para kung ano man, maisalba ninyo ang inyong relationship.
Pero kung wala na talaga and you think that it’s best to end it na, ang pinakadabest way na masabi sa kanya ay sa pamamagitan ng isang usapang masinsinan. Maganda yung mga eksenang pang-One More Chance. 🙂
Huwag ka na din magpaligoy-ligoy pa, go straight to the point dun din naman ang punta noon kung talagang desidido kang makipaghiwalay. Yung talagang talaga ha at wala nang bawian.
Pero bago ka talaga magdesisyon, pakinggan mo muna ang side niya. Ask her kung bakit ganito, bakit ganyan. Ask her kung may problema ba na hindi nya ino-open sayo or may nagawa kang hindi niya gusto. Baka kasi masyado kang good boy? Bongga!
May dahilan kung bakit kayo nagkaganyan. JUST TALK. Minsan, yun na lang ang solusyon. Maging firm sa desisyon kung ikaw ay katulad kong (ehem) may paninindigan. 😉
MIONG
Dear Emperador Alfonso,
Do you have to let it linger? Hindi ito The Cranberries song. Ang tanong ko ay kung keri mo na patagalin pa ‘yan? You are being unfair, boy. Pero malay mo pareho lang din pala kayong nagkukunwaring okay lang ang lahat o magiging okay pa ang lahat.
Alam mo na naman ang gagawin eh. Alam mong GUSTO mo nang makipaghiwalay. Your problem is HOW TO DO IT. It will devastate her world, believe me. You know it would hurt her. But if you stay just so you won’t hurt her, ikaw ang kawawa. Kakainin ka ng konsensya mo at guilt. Mabubusog sila sa gagawin mo.
Ten loooong years. That’s practically an entire lifetime for some people. Nagkasawaan? Nanlamig? Ilang beses mo nang napagdaanan ang ganitong stage sa haba ng pinagsamahan n’yo? Ang tyaga mo. Hands down ako sa tyaga mo.
S**t happens, you know. But if this is what you think will make you happy, for heaven’s sake, do it now na before pa kayo parehong malugmok sa isang relasyon na hindi na healthy.
Wag mong pakaisipin na masasaktan mo sya at sobrang given na yun. Ang isipin mo ay ang muling pagbangon, paghanap sa tunay na magpapasaya sa ‘yo, at ang paghanap sa sarili mong parang nakalimutan nang mag-exist nang sya lang.
Wishing you well,
JULIETA
PHOTO CREDIT: girlfriendsarelikecars.wordpress.com
http://littlejimmyscorner.blogspot.com
mhirap tlga un gnun sitwasyun leaving someone behind