Dear Miong and Julieta,
Hi this is Tim, yung unang sumulat sa inyo.
From the day na nag-share ako, me and Anne have been ok. Di ko sya ginive-up. I stayed beside her and naging faithful ako sa kanya. I decided to keep my promises to her and di ko sya iniwan.
Ok naman kami. Bumalik ang pagiging close namin sa isa’t isa. Yun nga lang di pa din kami eh. Pero ok lang. Nirerespeto ko ang desisyon na. Pero ang tagal na din kasi eh. Di naman sa nagmamadali ako, gusto ko kung magiging kami man sa huli e dahil mahal nya ako at sigurado sya sa magiging desisyon nya. Walang regrets. Pero, aaminin ko minsan, gusto ko ng tumigil. Parang gusto ko nang isuko ang pagmamahal ko sa kanya. Sa tingin ko kasi, parang wala din namang mangyayari.
Alam mo yung gusto mo namang maramdaman na mahalaga ka sa kanya. Di ko alam sa sarili ko. Oo minsan iniisip ko yun. Ang paghinto. Pero kasabay nun ang paghinto ng mundong ginagalawan mo. Sabi nga sa kanta, “what am i gonna do when the best part of me was always you”. Yeah, I’m falling to pieces.
Mahal na mahal ko sya at masakit kung titigil ako. Di ko maimagine everyday na wala sya. At lalong di ko maimagine na makita sya kasama ang iba. Ang sakit nun. Oo, lagi kong sinasabi na gusto ko lang maging happy sya at kung di ako ang makakapagpasaya sa kanya, ok lang yun. Madaling sabihin pero masakit yun di ba?
Di ko na alam ang gagawin ko. Happy naman kami pero incomplete pa din. Walang spark sa kanya pag magkasama kami.
Help naman po.
Thanks,
Tim
Hey Tim,
Sa buhay pag-ibig ng isang tao, hindi lahat ito eh nauuwi sa happy ending. Sina Cinderalla at Rapunzel lang ang siguradong ayus ang ending. Pero hindi sila tao. Meron talagang malas sa pag-ibig. Siguro yun na talaga ang kapalaran nila. Pero marami din namang swerte sa pag-ibig. Kaya nga halos mag-100 milyon ang tao dito Pinas eh.
Pero mabalik tayo sa problema mo. Meron tayong kasabihan na, “kapag may itinanim, may aanihin”. Isang halimbawa nito ay ang palay. Sa simula pa lang eh ang hirap na. Magtanim pa lang nito ay katakot-takot ng pawis ang mauubos sa katawan mo at talagang nakakapagod.
Tulad ng panunuyo mo sa iyong nililigawan, ito ay pinaglalaanan ng panahon. Pinaghihirapan ang mga “moves” para sa kanya. Mauubusan ka din dito ng oras at syempre pera.
Ganun talaga ang panunuyo, gagawin ang lahat mapasagot lang ang iyong minamahal. Pero di rin talaga mawawala sa lahi ng mga babae ang “hard to get”. Sabi nga sa kanta ni Nicole Hyala: “kulangot ka ba kasi, you are really hard to get”. Pero meron naman easy to get na babae. Ewan ko ba. Kung ako ang papipiliin mas pipiliin ko ung hard to get. Biruin mo kung mapasagot mo yun, ibig sabihin pinaghirapan mo talaga yun. At ang karamihang tumatagal na relasyon ay nanggaling sa mahabang ligawan.
Mahirap talaga ang manligaw ng babae lalo na’t hindi mo maintindihan kung ano ba talga ang gusto nilang mangyari. Hindi naten alam baka pineperahan lang pala tayong mga lalake. Magpapaload, magpapalibre sa Mcdo. Pero yun naman eh hindi lahat. Alam mo naman sa sarili mo un kung talagang may pag-asa ka sa kanya eh. Hindi naman tatagal ang isang ligawan kung walang papupuntahan.
Tiyaga, dedikasyon at tiwala sa sarili ang kailangan para di bumigay sa isang bagay na inaasam. Ipagpatuloy mo lang yan, ang mahalaga sa ngayon eh masaya kayong dalawa sa inyong relasyon. Kung anu mang relasyon meron kayo ngayon. I-enjoy nio lang ang oras at panahon. At sa pagdaan nito, marami pa kayong matutuklasan sa isat-isa at sana eh nakuha mo na ung minimithi mong matamis na “YES”.
So Tim, sana naman eh nakatulong sayo ang aking payo. At sana din eh kung susulat ka sa ikatlong pagkakaton eh sana naman eh magandang balita na ang isulat mo sa amin. Kasi kung hindi ka pa din nia sinasagot eh ipapaligaw ko na sa ‘yo si Julieta at siguradong sasagutin ka agad nun. (peace!) Goodluck sa ‘yo at sana eh maging maligaya kayo sa isat-isa.
MIONG
Dear Tim,
Wag kang makinig kay Miong sa huli n’yang payo.
Point #1. The fact that you stayed and you continued pursuing her showed how much you truly love her. But it still seemed to be a one-way thing. Sabi mo nga, para kanya walang spark pag magkasama kayo. Alam mo, yung spark na yun, hindi mo man ma-explain kung ano talaga yun but it really means a lot (lalo na yata sa aming mga babae).
It shows how you click, how you can get along despite differences, how a special bond between you works to make you realize that there really is ‘something’ na pwedeng i-nurture. Ang kawalan ng spark, sa madalas na pagkakataon, ay kawalan ng pag-asa.
Point #2. Tama si Miong, bawat bagay na inaasam ay dapat pinaghihirapan. Give more, expect less. Alam mo naman sa sarili mo yun eh, kung may pag-asa o wala. Ayaw mo lang aminin kasi mas mabigat yung hope mo kesa sa katotohanan. Alam na nya ang nararamdaman mo para sa kanya. Sa ngayon sapat na muna yun. Wag mong hayaang umikot ang mundo mo nang dahil sa kanya lang.
Point #3. May sinabi ba syang wag mo syang iwan? May sinabi ba syang nagpaasa sa ‘yo like, hintayin mo sya pag ready na sya? Kung meron, saka ka umasa ng bongga. Kung wala naman, steady lang. Mahal na mahal mo sya pero Tim, you’re loving her too much and I’m afraid it will hurt you big time if nothing favorable to you would happen.
Wag masyadong makulit. On your first letter sabi mo she blocked all the communication lines you have di ba? And then the lines are open na ulit. Make her feel that she’s special but don’t bug her too much. Baka yung saya ay maging suya.
Wishing you well,
JULIETA