Ito ang Kwentong Pag-ibig para sa linggong ito. Ano ang dapat gawin ng letter sender natin na si Ms. P. sa long distance relationship na pinipilit nyang alagaan pero mukhang hindi na nagwo-work?
Hi Miong and Julieta,
Nagkakilala kame ni Mr. C s trabaho. Niligawan nya ako for almost 1 year, and in also that year hindi pa rin ako nkaka-move on from my past relationship kya tumagal ng ganon ang panliligaw nya sakin, kahit ilang beses ko na syang binasted ay makulit pa rin sya sa panliligaw, isang araw nalaman ko na lang na paalis na sya papuntang U.K. at doon ko narealize na mahal ko na pala sya. Nalungkot ako at umiyak, naisip na sana binigyan ko sya ng pagkakataon.
Pero isang araw nalaman ko na lang na binibiro nya lang pala ang mga kaibigan nya na aalis sya pero ang totoo hindi. Niyaya nya ako na kumain sa labas at doon sinagot ko na sya sa isang kondisyon na mgging trial muna ang unang buwan ng relationship namin at pumayag naman sya.
Lumipas ang isang buwan nagwork naman ang relationship namin at hanggang ngayon nga kame pa. Dumating ang problema samin nung pumunta ako sa ibang bansa. Nung una ok pa ang communication nmin pero habang tumatagal nararamdaman ko na na nanlalamig sya, hndi showy n tao s Mr. C kaya naisip ko siguro medyo busy lang pero ang pinagtataka ko kahit naka-online sya hindi sya nagmemessage sakin kahit na alam nya na online din ako.
Ime-message ko sya pero parang walang kwenta ang mga sagot nya, at minsan bigla na lang syang mg-ooffline nang walang paalam at hindi na magrereply sakin, pero minsan naman nararamdaman ko na mahal nya parin ako at may oras na nararamdaman ko ang pagbabalewala nya sa akin.
Ano kaya sa tingin nyo, may iba na sya at nagsasawa na sya sakin? Mahal na mahal ko sya. Gusto ko makipagbreak sa kanya para i-test kung papayag sya or pagsisisihan nya mga pagbabalewala nya sakin. Pero natatakot ako na mawala sya ng tuluyan sakin dahil ang tipo nya ang taong hindi ka susuyuin at hahayaan ka na lang.
Give me some advice. Nahihirapan na talaga ako. Marami akong kakilala na naghiwalay na rin dahil sa long distance relationship at kadalasan lalaki ang bumibitaw natatakot ako na mangyari din ito samin. Hold on or move on? Thank you.
P.S.
Dahil sa sitwasyon namin ngaun hindi na rin ako masaya at sya pa ang nagiging dahilan kung bakit ako nalulungkot, gusto ko na sya i-give up at bka sakaling mas magiging masaya ako sa iba, kaya lang mahal na mahal ko sya at baka di ko kayanin at mgsisisi ako.
Ms. P
Hey Ms. P.!
Doon pa lamang sana sa “pagiging hindi niya showy” ay nahalata mo na sana na hindi na siya interesado sa iyo.
Lalo na dun sa instance na online pala siya e hindi ka man lang niya i- message.
Me kilala nga ako na kahit ilang bansa ang pagitan nila ay mainit pa din ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa. Anong kanilang sikreto? Skype, pagmamahalan at, syempre, kaunting pagkamalikhain. Hehe.
Ang katotohanan kasi Ms. P., kaming mga lalake ay laging showy sa aming mga minamahal. Maari man kaming magmukhang kriminal sa ibang tao, pero pag iniharap mo kami sa aming mga iniirog ay nagpapalit-anyo kami bilang mga pink na Care Bear.
Patunay na ang mga regalong alahas at ga-taong stuffed toys.
Sa unang senyales pa lamang sana ng panlalamig ay kinompronta mo na siya dahil may karapatan ka naman na malaman ang kaniyang nararamdaman ‘di ba?
Alam mo, sa malamang ay magiging mas masaya ka sa iba kasi ikaw na mismo ang nagsasabi niyan.
Pagsisisi, pagsisisi…wushuuuu. Testingin mo din muna bago ka mag-conclude. Pag mali ka e di bumalik ka sa kaniya.
Kung mahal ka naman niya talaga e tatanggapin ka niya ulit… nanginginig pa.
Sa sitwasyon mong iyan, there’s nothing to lose.
Hindi lang ikaw ang ligaw sa landas ng pagibig ngayon kaya huwag kang matakot. I-explore mo din ang mga chenes that life could offer. Don’t let your fear defy your freedom, ika nga.
Ganiyan din ang sinasabi ko sa sarili ko at magpasahanggang ngayon ay naghahanap pa din ako ng “MAS” at kung hindi man ako makakita ng “MAS” at least nakapagbigay ako ng oras sa sarili ko, di ga?
Malay mo magkapanagpo pa ang landas natin at tayo pa ang maging solusyon sa problema ng bawat isa.
Ahihi. 😉
MIONG
Dear Ms. P.,
I never believed that long distance relationships work. Well, not in all cases but most of the time, they fail.
Maganda naman yung simula n’yo di ba? But was it stable enough to make you survive anything even distance?
Wait lang, kahit nga naman pala stable na relasyon, kung nakatadhana talaga na hindi mag-work eh mahirap na talaga.
There are a lot of reasons why long distance relationships don’t work. Physical absence is one. The tendency to grow apart is another one. Ano pa ba? Kawalan ng communication, eto naman ay mortal sin para sa mga taong involve sa isang LDR.
Since sumulat ka naman para hingin ang tulong namin, ito ang tingin ko sa sitwasyon nyo. Nanlalamig na sya, totoo. Buhay pa naman teh, di ba? Physical absence ang culprit dito. Communication lines are open pero ano, wala na syang kwentang kausap? Dahil dyan, tingin ko nawawalan na sya ng gana sa relasyon nyo.
It takes two to tango di ba? But if it’s only you na lang who’s willing to make things work, let go na teh. Wala nang patutunguhan ang relasyong isa na lang ang nakahawak.
Confront him. Face your fear. There’s no other way girl. Be ready sa kung ano mang isasagot nya. Expect the worst. Mahal na mahal mo sya pero kung iniisip mo na rin na bumitaw, isa na lang ang solusyon — gawin mo yun. Baka naghihintay na lang sya na ikaw ang unang bumitaw.
Kung kayo rin naman sa huli, kayo pa rin talaga. But happiness is a choice. Kung hindi ka na masaya sa mga nangyayari, move out then move on.
P.S.
Miong, [ehem], nagpapacute ka? Haha.
Wishing you well,
JULIETA