Libo-libong mga estudyante mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas ang magkakamit ng running shoes mula sa Milo. Ito ay dahil sa pakikiisa ng ating mga kababayan sa patuloy pa ring ginaganap na Milo Marathon sa iba’t ibang lungsod at probinsya sa bansa.
Nitong nakaraang Linggo, ginanap ang Southern Luzon leg ng Milo Marathon sa Batangas City. Narito ang mga detalye ng pangyayari:
PRESS RELEASE
PIO – Batangas City
Humigit kumulang sa 7,000 runners ang lumahok sa 34th Milo Marathon na idinaos sa Lungsod ng Batangas noong October 17. Ito ang 11th Provincial leg ng competition na nakatakdang magtapos sa Disyembre ng taong ito.
Pinakamarami ang lumahok sa 5k na umabot sa 6,700 runners, kung saan mas marami ito, kumpara noong mga nakaraang taon. Nakiisa rito ang mga mananakbo mula sa iba’t ibang bayan at lalawigan sa bansa.
Kakaiba rin ang 34th Milo Marathon, hindi lamang ito isang sport, physical fitness o competition kungdi ngayon ito ay isang na ring advocacy campaign na naglalayong makapagbigay ng sapatos sa mga higit na nangangailangang kabataan.
Limang piso mula sa P50,00 registration fee ng bawat runner ang ibinabawas para sa pondo ng pambili ng sapatos. Inaasahan na mula dito ay makakalikom ng P1M na tutumbasan ng Milo ng kaparehong halaga. Tinatayang magkakaroon ng P2M kabuuang pondo, at makapagbibigay ng 4,000 pares ng sapatos para sa mga kabataang Pilipino.
Naging beneficiaries sa Lungsod ng Batangas ang mga mag-aaral ng Batangas National High School. May 160 pares ng sapatos ang ipinamahagi ng Milo dito.
Ayon kay Neri, katulong nila sa pagpili ng mga mga beneficiaries ang DepEd Batangas City.
Nagpasalamat rin si Neri sa patuloy na suporta ng pamahalaang Lungsod ng Batangas sa taunang Milo Marathon.
Tinanghal na champion sa 3K female division si Mac Grace Dischoso at sa male naman si Shawnkemp Orlanda. Sa 5K si Ana Jean Tamayo at Richard Salano. 10K sina Sherilyn Galvero at Jerald de Asis at 21K sina Maricel Maquilan at Irinio Raquin.
Pagkatapos ng marathon ay isinagawa naman ang cheerdance competition para sa elementarya at high school. Dito ay nanalo ang cheerdancers ng Sta. Clara Elementary School at Batangas National High School.
Nakiisa sa 34th Milo Marathon sa Lungsod sina Sangguniang Panlungsod Committee on Sports chairman, Coun. Marvey Marino at City Administrator Phillip Baroja.
Ito ay pinamahalaan ng City Council for Youth Affairs katulong ang mga tanggapan ng pamahalaang Lungsod ng Batangas. (Marie V. Lualhati, PIO Batangas City)
hello!