Breaking News

Ang Buwan ng Wika at Sari-Saring Pananaw sa Pagdiriwang Nito

Tuwing buwan ng Agosto, ipinagdiriwang nating mga Pilipino ang Buwan ng Wikang Pambansa — ang wikang Filipino.

Sa pagkakabisita ko sa website ng Yahoo! Philippines kani-kanina lamang, nagulat ako na lahat ng binasa ko kagabi sa nasabing website ay ginawang Filipino — yung mga titulo lang pala.

Ikaw na nagbabasa nito, hindi mo marahil alam kung gaano ako nahihirapang tapusin ang bawat linya sa sinulat kong ito. Bakit? Dahil sa araw-araw na ako ay nag-iisip ng isusulat hanggang sa pagsusulat na mismo ng kung anumang paksang aking napagdesisyunan ay sa wikang Ingles ko ginagawa.

Ako ay Pilipino na nabuo sa kalahating dugong Batangueño (taga Mataasnakahoy ang tatay ko) at kalahating dugong Ilokano (tubong La Union ang nanay ko). Puro man ang pagka-Pilipino ko, ako ay nagsasalita sa wikang Tagalog at Ingles ng walang kung anumang kuwestyon sa pagmamahal ko sa aking pagka-Pilipino.

Paano ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Buwan ng Wikang Pambansa?

Sa mga paaralan, hinihikayat ang lahat na magsalita sa wikang Filipino sa loob man o labas ng klase. Eh paano sa mga ‘English Speaking Zones’? Paano sa mga international schools?

Sa ganitong buwan din ginaganap ang mga balagtasan, patimpalak sa pagtula, debate gamit ang wikang pambansa, at kung ano-ano pang maisip ng mga gurong ang nais ay makapagdiwang ng isang makabuluhang Buwan/Linggo ng Wika. Bow.

Ano ang pananaw mo sa pagdiriwang na ito?

Hindi mabilang na mga lengguwahe at dialekto ang binibigkas, naririnig, at sumisimbolo sa bawat lahing bumubuo sa populasyon ng mundo.

Sabi ng ilan, tuwing Buwan ng Wika, magsalita tayo sa Tagalog. Sabi naman kalahating ilan, bakit sa Tagalog lang? Paano ang Bisaya, Ilokano, at iba pang dialekto sa Pilipinas?

Sa Filipino daw, hindi sa Tagalog. Madalas nga naman na ito ang nagiging reklamo ng ilan — ang mga hindi Tagalog. Ang Tagalog ay ang dialekto ng mga Pilipinong naninirahan sa Timog Katagalugan at sa ka-Maynilaan.

Bakit Filipino at hindi Pilipino?

Wala namang pinagkaiba halos sa porma maliban sa unang letra. Dahil ito sa sinasabing pagiging ‘universalist’ ng Filipino kaysa sa Pilipino. Dahil sa letrang ‘F’ na kabilang sa pang-internasyunal na lengguwaheng Ingles.

Taglish — may problema ka?

Ako wala. Ikaw? Depende sa sitwasyon, depende sa hinihingi ng pagkakataon.

Eh sa Beckimese (Bekimon) at Jejemon, may reklamo ka?

Kung ang pagsasalita ng Beckimese o ang tinaguriang lengguwahe ng mga bakla ay isang krimen, matagal na akong nahatulang nagkasala. Hindi dahil sa ako ay isang babaeng bakla. Ako lang ay nahawa sa mga taong nakaimpluwensya nang hindi inaasahan.

Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda. Bata ka pa lang naririnig mo na ito.

Ano ang sukatan ng pagmamahal sa sariling wika? Sagutin mo sa kung saang wika ka kumportable.

Photo Credit: mjlines.blogspot.com

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Vespa Clubs Tour Taal Lake, Celebrate LIMA Park Hotel’s 15th Anniversary

The Taal Lake Loop has been a popular route for motorcyclists. With scenic landscapes, asphalt …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.