Fiesta ng Lipa City kahapon. At dahil marami kaming friends sa iba’t ibang parte ng Lipa, ang WOWBatangas Team ay namiyesta. Ang kinatapusan ng pamimiyesta? Umay. 😀
Maaga pa lang nasa Lipa na kami para sa grand fiesta parade na kung tawagin. Ginawa na namin ito last year – kumuha ng mga pictures, nakisaya, nakisigaw ng “kendi! kendi!” – pero ngayon lang kami namiyesta ng sama-sama.
Bilang resident food blogger ng team, ako ang naka-toka na magsalaysay ng isang araw ng pagla-umay, haha. Seryoso, kami ay sobrang nabusog kahit tatlo lang ang bahay na napuntahan namin (maunti pa ga ang tatlo?).
After ng parada, naghanap kami ng bahay na puwedeng puntahan para mag-almusal. Sinuwerte naman kami at ayos na ang handa sa bahay ng aming OJT na si Cathy doon sa Balintawak. Ang team, kasama ang mga OJTs ng WOWQuezon, ay talaga namang nasiyahan sa isang nakakabusog na almusal.
Kaming apat ay fans ng morcon. Yung tradisyunal na morcon na mahirap gawin. Tuwing ako ay namimiyesta, ito ang una kong hinahanap dahil madali syang kainin, masarap, at walang marunong gumawa nito sa pamilya namin. Sabi nga ni Gerlie, sa lahat ng handa sa fiestahan, ang morcon ang isa sa pinakamahirap gawin. At kapag marunong kang gumawa nito, parang puno ka ng pagmamahal dahil kaya mong tiisin ang matagal na proseso ng paggawa nito. Gusto namin ang sunog na parte ng morcon.
Pochero. Parang pag-ibig na naman. Minsan matamis, minsan maasim, minsan, sakto lang sa pagitan ng dalawa. Matamis ang pochero kina Cathy. Ito ang swak sa panlasa ko.
Next stop, sa Granja – doon kina Deo na dati naming OJT. Sosyalan ang food styling doon kina Deo. Napatanong nga ako kung sino sa kanilang pamilya ang nag-HRM noong college. Wala daw. Sadya lang lumalabas ang kanilang pagka-artistic at pagka-enthusiastic basta pagakain ang usapan.
Wala nang paligoy-ligoy pa, hinayaan naming kami ay mabighani ng mga pagkain sa kanilang lamesa. WOW! Fresh lumpia, fried lumpia, kare-kare at espesyal na alamang, cordon bleu, pork pastel, fried chicken, leche flan na gawa ni Jane na girlfriend ni Deo at dati rin naming OJT, at strawberry chorva (hindi alam ni Deo kaya ito ang tawag namin). Marami pang iba na maya’t maya ay napapadagdag sa mesa pero dahil sumusikip na ang mga pantalon namin, sumuko na sa unang round pa lang.
Dahil sa kabusugan at sa pinagsamang sumpa ng comfort ng sofa nila Deo at malamlam na kulay ng mga ilaw sa paligid, at some point, ayaw na namin umalis. Pero dahil may naghihintay pa sa amin, pinilit naming tumayo at magpaalam.
Paningit: Dahil talaga namang kami ay nabusog ng sobra sa dalawang bahay na napuntahan namin sa unang kalahati pa lang ng araw, hindi muna kami dumeretso sa pangatlong nag-imbita sa amin. Nag-segue muna kami sa PERYA! Para maalis ang antok at sobrang kabusugan. Ang kwento ng aming trip sa peryahan ay sagot ni Gerlie. 🙂
Third stop, sa bayan – doon kita Christine, ang kaibigan naming beauty queen/model. Selosa kasi itong si Christine at nagtampo na last year nang hindi namin s’ya siputin. Sabi ng team, makiki-inom at makiki-chika na lang kami kina Christine, haha. Pero dahil may bago sa aming paningin, go pa rin sa pagkain! Inuna ko ang dessert, ang simple pero napaka-sweet na nata de coco. Tapos sabay-sabay naming tinikman ang pork binagoongan na isa pang bongga ang pagkakagawa. Festive ang dish dahil sa mga strips ng gulay at mga kulay nito.
Bilang pagtatapos, ito ang aking mga narealize tuwing may fiestahan.
There are those who cook dishes which are part of traditional fiesta celebration. These are familiar Filipino fiesta dishes which we considered as staples – because they have been part of the celebration’s menu for decades. They keep these dishes on the menu because they know these are what their visitors would expect to see on the table. Most Filipinos settle for what’s familiar on their eyes and on their palate.
Then there are those who ‘experiment’ on unconventional dishes to include on the fiesta menu. They try to introduce something new and present them in a way that their guests would be lured to try these new food attractions.
Some do not care about how many dishes they should prepare because for them, it’s not the quantity that matters, it’s the sumptuousness of the meals. It’s also a smart idea to have your own version of dishes you often eat from your favorite restaurant. In this way, you don’t have to bring your guests to the resto, you bring the resto to your own kitchen.
Some opt for caterers because (1) they don’t have much time to prepare, (2) nobody in the family really knows how to cook large quantity of dishes, (3) they have the money to pay other people for things they can’t do themselves.
Food trip. Oh how good life is when you eat free good food several times a day! 😉
Hanggang sa susunod na fiesta, Lipa!