Handa ka na gang makiisa sa unang automated election dito sa Pinas? Kung hindi pa ito na ang pagkakataon mong maliwanagan sa mga tanong mo tungkol sa automated elections 2010.
Nandito kami ngayon sa covered court ng Brgy. Marawoy, Lipa City para sa voter’s education na inorganisa ng Comelec Lipa City at ng chairman nito na si Mr. Jun Aguila, kasama ang SMART Communications sa pangunguna ng kanilang area manager, Mr. Richard Goce. May mga kinatawan din ang Parish Pastoral Council on Responsible Voting (PPCRV) na si Fr. Clarence Patag na nagbahagi ng role ng PPCRV sa eleksyon.
Bukod sa mga kaalaman tungkol sa kauna-unahang automated election dito sa ating bansa na tatalakayin ng Comelec Lipa City, ang SMART Communications ay naghanda rin ng mga raffle draws (maaring manalo ng dalawang (2) units ng Smart Bro Plug-its at twenty (20) All-Text 20 load) para sa mga taong dumalo sa pagtitipong ito.
Ibinahagi ng Comelec Lipa City ang mga dapat malaman ng tao tungkol sa PCOS machine at kung paano ito gumagana; computerized voter’s list; at mga dapat tandaan sa pagboto.