Breaking News

What Alternative Learning System Can Do

When I decided to shift to another course, from BS Nursing to BS Education, I already knew this career would not make me lie on a bed of money. It’s a tough job being a teacher. And I truly believe that it is the noblest profession.

My grandmother became the toughest kontrabida when I told her I wanted to be like her (she offered decades of her life teaching in public school). I still pursued with my goals then I got my teaching license but a teaching job is yet to come my way. Haha.

Why am I sharing this? Because I believe that quality education is really an individual’s key to a bright future. Sana ay ma-realize ito ng bawat batang may pagkakataong makatapos ng pag-aaral.

Below is a related article, I hope this one could be a piece of inspiration for all students out there. And for those who wanted to be educated but don’t have the means to do so.

PRESS RELEASE
Public Information Division
May 4, 2010

May 318 estudyante sa lungsod ng Batangas ang nagtapos sa programang Alternative Learning System o ALS ng Department of Education. Ang graduation ceremonies ay ginanap noong April 30 sa Julian A. Pastor Elementary School o JAPMES.

Labing siyam na mag aaral ang nagtapos ng elementarya at 299 naman sa high school. Top 4 ang lungsod ng Batangas sa Region IV sa dami ng bilang ng mga nakapasa at nakapagtapos na mga estudyante. Ang ALS ay isang sampung buwang programa ng pagtuturo na naglalayong makatulong sa mga out of school youth o sa sinumang nagnanais na makapagtapos ng pag-aaral.

Ayon kay Mrs. Fe Fallurin, East District Coordinator ng ALS, ito ay nahahati sa dalawang programa, ang Basic Literacy Program na kung saan ang estudyante na kabilang dito ay tinuturuan ng mga basic skills tulad ng pagbasa, pagsulat, pagbilang at iba pa. Samantalang ang Accreditation & Equivalency Program naman ay kinatatampukan ng mga estudyante na nakatapos na sa Basic Literacy Program.

Ayon naman kay Mrs. Angelita Ilao, North District Coordinator ng ALS, ang kabataang may edad na 11 pataas ang maaaring mag-enrol sa basic literacy program at 15 taong gulang pataas naman sa accreditation & equivalency program.

Naging napakasaya at memorable ng nasabing pagtatapos para kay G. Apolinario Davalos, President ng Batch 2009 at ngayon ay naka graduate na ng high school kung kayat hinihikayat din niya hindi lamang ang mga kabataan na mag-enrol sa ALS at aniya ay huwag mawalan ng pag-asa sapagkat sa tulong ng nabanggit na programa ay makakapagtapos sila ng pag-aaral kahit may edad na.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga ALS coordinators at ni District Supervisor Mr. Nestor Alon sa walang sawang pagsuporta ni Mayor Eddie Dimacuha sa kanilang programa.

Binigyang diin sa naturang graduation ang pagtulong ng ALS sa lahat ng kabataang nagnanais na maabot ang tagumpay na kanilang minimithi. Inaasahan pa ng ALS na madami pa silang matutulungang kabataan para makamtan nila ang kanilang karapatan sa edukasyon. (Maricar Tayag & Monina Fernandez, PIO Batangas City)

[tags]alternative learning system, batangas city, department of education, als deped[/tags]

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Vespa Clubs Tour Taal Lake, Celebrate LIMA Park Hotel’s 15th Anniversary

The Taal Lake Loop has been a popular route for motorcyclists. With scenic landscapes, asphalt …

5 comments

  1. san po ako pwede mag tanong tungkol dito sa ALS ,

  2. san po ako pwede mag tanong tungkol dito sa ALS ,

  3. Ask ko lang po what kind of curriculum did the ALS used? And what subjects do they have?

  4. Ask ko lang po what kind of curriculum did the ALS used? And what subjects do they have?

  5. ask ko lang po.. anu_ano po ung requirements dito sa ALS?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.