Breaking News

Maliputo Festival, Tampok sa Anibersaryo ng Pagkakatatag ng San Nicolas

Kailan ka huling nakakain ng maliputo? Siguradong maraming nakaka-miss sa isdang ito, lalo na yung mga kababayan nating nasa ibang bansa. Sa paligid ng bayan ng San Nicolas pinakamaraming nahuhuling maliputo. Kaya naman hindi nakakapagtaka na sa anibersaryo ng pagkakatatag ng San Nicolas ay maliputo ang naging sentro ng kanilang pagdiriwang.

PROVINCIAL INFORMATION OFFICE
PRESS RELEASE
August 12, 2010

Ika-55 taon anibersaryo ng San Nicolas Tampok ang Maliputo Festival

San Nicolas, Batangas -- Ipinagdiwang noong ika-9 ng Agosto ng San Nicolas ang kanilang ika-55 taong anibersaryo ng pagkakatatag bilang isang makaysaysayan bayan sa lalawigan ng Batangas.

Naging tampok sa anibersaryong ito ang pagdiriwang ng Maliputo Festival na hango sa pamosong isda na mahuhuli lang sa katubigan ng Lawa ng Taal at partikular na nahuhuli sa paligid ng bayang ito.

Binigyan ng mga taga San Nicolas ang isdang maliputo ng ibat-ibang mukha at lasa sa pamamagitan ng patimpalak na Grand Maliputo Cook Off na sinalihan ng ibat-ibang paaralang elementarya sa San Nicolas.

Sa pagkakaroon ng maliputo cook off binibigyang pansin ng Pamunuang Bayan ang paglulunsad ng culinary tourism na magtatampok ng maliputo bilang pangunahing atraksyon at paghahandog nito sa mga turista bilan native delicacy.

Sumaksi sa kasiyahan si Batangas Governor Vilma Santos Recto at Vice Governor Leviste na umamin na sila ay numero unong taga hanga ng isdang ito.

Binigyang diin ni Governor Vi sa mga estudyante at mamamayang sumaksi sa pagdiriwang ang kahalagahan ng pangangalaga at pagbibigay importansya sa mga likas yaman na nakukuha sa lawa.

Sinabi nito na nakatuon ang kanyang administrasyon sa patuloy na pagsusulong ng programang mangangalaga sa kapaligiran, likas yaman at turismo, “ sa pangangalaga natin sa lawa at di pag abuso dito, mas lalo pang dadami ang pupulasyon at mga isda at pagyabong ng likas yaman nito na direktang makikinabang ang mga susunod na henerasyon ng mga Batangueno” sambit ng Gobernadora.

Nanguna sa cook off ang San Nicolas Central School na nagkamit ng P10,000 premyo pumangalawa ang Bancoro Elementary School na tumangap ng P 5000 at ikatlo ang Bangin Elementary School na nagkamit ng P3,000. /Edwin V. Zabarte/PIO

About Publisher

JR Cantos is the Publisher of WOWBatangas.com. Some of the articles here on the website have been contributed over the years, so please just email us at help (at) wowbatangas.com if you have any concerns. Salamat!

Check Also

Sinukmani Festival 2023 at Rosario, Batangas

In celebration of the 336th Founding anniversary of the municipality of Rosario in Batangas, the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.