Sampung taon ng pagparada sa laot, animnapu’t siyam na bangka ng mga mananampalataya, at hindi mabibilang na pasasalamat — Ito ang diwa at kahulugan ng selebrasyon ng Lumangkinang Fluvial Procession na pinagkaisahan ng mga mamamayan ng Brgy. Lumanglipa, Kinalaglagan, at Nangkaan sa Mataasnakahoy, Batangas nito lamang ika-27 ng Hunyo 2019.
Ayon sa Founder ng Festival na si Del Bagioen, itinataon nila ng prusisyon sa kapistahan ng Ina ng Laging Saklolo at kasama sa pagdiriwang ang mga mamamalakaya, deboto, ilang bisita, at mga kababayan na naninirahan sa tabi ng lawa.
Saksihan ang maikling film na ito na mga kuha namin ng Lumangkinang Festival.
Article by:
Edge An
Associate Editor, WOWBatangas.com