Masarap ang bawal, ika nga.
Lalo na kung ang tinutukoy ay ang mga pagkain na nanlilimahid sa uric acid, kolesterol at kung ano- ano pang mga masama sa katawan.
Marami- rami na din ang mga napagbabawalan ng pagkain sa mga nasabing mga chibog. Pero malamang din ay madalas silang sumuway.
Katulad na lamang ng aking ina na halos magtatlong-isip sa bawat daan ng magbabalot.
“Mame gusto mong balot?”
“Si si si……sige na nga. Minsan lang naman. Iinom na lamang ako ng gamot”. Kaniyang ika ng walang palya.
Punta naman tayo sa usaping pagpapayat.
Sa ngayon ay wala akong masyadong alam sa usapang are. Nadidinig ko lang sa mga kabarkada kong nag gygym yaong mga pagkain na may Low calorie count— mga pagkain na *dapat* nilang nilalafang.
Pero, katulad ng aking ina, sila’y mga tao din lamang na paminsa minsa’y nagpapadala din sa tukso ng extra rice.
Heto pa ang ilang mga pagkain na alam nating hindi masyadong kagandahan ang idinudulot sa ating katawan pero sa bawat alok sa atin ay hindi naman tayo makatanggi. Sila ang ating mga guilty pleasures, ika nga:
Sisig
Mas lalong masama pag- ipinares sa beer. Mapakaraming beer. 🙂
Chichiria
Hindi sila tatawaging junk food para sa katuwaan lamang.
Samahan mo pa ng softdrinks para mas bargas.
Chicharon
Angioplasty, try mo.
Hindi ka Pilipino kung hindi ka pa nakakain ng balut, ika nga.
Hindi din dapat mataas ang presyon kapag kumakain ‘nare.
Crispy outside (balat), jiggly inside (taba).
Mas ayos ito kapag ipinartner sa masarap na timpla ng toyo, kalamansi at sili at kaunting gamot para sa atay.
Ice cream
Dirty Ice Cream para mas maging eksakto.
Naalala ko dati ang pagbili ko ng ice cream sa bawat pagdaan ng Mamang sorbetero. At sa pagbili muli sa bawat ikot niya sa aming kanto.
Naaalala ko din ang aking ina na nahihiwagaan sa misteryosong pagkawala ng kaniyang mga limang piso.
Masarap ang alimango sa kahit anong luto. Mabanggit pa lamang ang salitang “aligi’ ay talaga namang maglalaway na ‘ko sa pananabik.
Heto ang salarin sa pananakit ng aking mga tuhod. Halos makailang bulos ako ng kanin kapag ito ang ulam. Lalo na kung bahaw ang kanin at ubod ng init ang ulam.
Tunay ka namang napakasarap! Huwag lamang rarayumahin.
****
Hindi ko alam kung anong elemento ng mga naipakitang pagkain ang nakakasama sa ating kalusugan. Basta sinasabi na lamang ng mga magulang ko na “hinay hinay ka diyan at baka sam- an ka ng lasa”.
Ako naman, tamang keber lang. Akala ko’y ayaw lang nilang maubusan ng ulam.
Hayun, pagkatapos ko mamapak ng sangkatutak na balatong ay halos hindi ko na maramdaman ang aking tuhod at siko.
At hayun na din ang payo ko, kung wala kang pakialam sa pagkakaroon coca cola figure eh at least dapat ay concerned ka naman sa iyong kalusugan.
Pero sa sarap ng mga pagkaing ito, madami ka din na maiimbentong palusot at rason tulad ng aking ina. 😉
images from:
anton.blogs.com
philippinesnacks.wordpress.com
dishes.philipinoy.com
traveljournals.net
.missing-my-philippines.com
coffeemakesmeweak.wordpress.com
luxuryrecipes.blogspot.com
tigabaluarte.blogspot.com
recipe.foohta.com
CRISPY PATA!
YUM YUM 😀
“Crispy pata
Crispy outside (balat), jiggly inside (taba).”
APIR! HAHA!