Breaking News

2018 Florence Nightingale Award at Mary Mediatrix Medical Center

Lillian A. Magsino Hall, Mary Mediatrix Medical Center | October 18, 2018

Taon taong binibigyang pansin at parangal ng Mary Mediatrix Medical Center ang katangi tangi at mahuhusay na nurses’ sa bawat department nila. Ito ay kasabay ng selebrasyon ng Nurses’ Week. Ang bawat department head ang siyang namimili inonominate na katangi tanging Nurse na may pambihirang sipag at dedikasyon sa kanilang trabaho.

Listahan ng mga nominado at nanalo : 
Juvy Grace Manalo | Most Commendable Ward Assistant
Jennifer M Asensi RN | Best Nurse in the Unit – Station One
Carolyn Jayne Ricafort, RN | Best Nurse in the Unit – Station Two
Zarah Mey Bahala , RN | Best Nurse in the Unit – Station Three
Angelyn Tapar, RN | Best Nurse in the Unit – Station Five
Darwin Dacillo, RN | Best Nurse in the Unit – Station Seven
Liza Tenorio, RN | Best Nurse in the Unit –  Station Eight
Kimberly Contreras, RN | Best Nurse in the Unit – Station Ten
Crytal Malicat, RN | Best Nurse in the Unit – Station Eleven
Ananea Candara, RN | Best Nurse in the Unit – Coronary Care Unit
Remily Villocero, RN | Best Nurse in the Unit –  NICU/Neonatal Ward
Joebert Magtibay, RN | Best Nurse in the Unit – Emergency Department
Janice Mendoza, RN | Florence Nightingale Award 2018

Tatlong beses po ako nag apply dito sa Mary Mediatrix Medical Center bilang Nurse at hindi po ako natatanggap dahil ng mga panahon pong iyon ay madami pa pong nurses. Di ko talaga inexpect na matatanggap pa ako kasi medyo may age na din ako.

“Isa sa pinakamahirap na part ng pagiging nurse ay yung kapag aalis ka ng bahay at iiwanan mo yung iyong mga anak. Tapos sasabihin sayo ng anak mo na “Mama, aalis ka po ulit? Di ka po dito matututlog?”, “Mama, may work ka nanaman po?” na parang binibiyak yung dibdib ko dahil kailangan kong pumasok para bigyang pag asa na mabuhay yung mga taong alaga naming sa ICU at maraming pasyenteng nag aantay sa amin. Sinasabi ko na lang sa mga anak ko na wag silang mag alala kasi pag gising naman nila ay nandito na din ako.

Isa sa mga pinakarewarding na part ay yung nakikita naming yung mga pasyente na nag iimprove. Yung tipong makikita mo silang papasok dito na comatose tapos makikita mo silang nag iimprove at nagpapasalamat na binuhay sila at inalagaan sa ICU. Wala man kaming maitulong financially ay ang kaya naming ibigay ay maalagaan sila.

Noong pumasok ako bilang trainee, 7 months kang pumapasok bilang trainee at walang sahod. Wala pang trabaho ang aking asawa nuon at iisa lamang ang aking uniform na lalabhan mo din pagkadating mo galing trabaho kahit antok na atok ka na at sunod sunod ang duty. Yung tipong gustong gusto mo na mag give up lagi kang iniencourage ng mga kasama mo na wag mag give up at makakaraos din. Basta matyaga ka at determinado ka ay may mararating ka.

Lagi lagi akong dumadaan sa chapel para ipagdasal yung mga kasama ko at ang kanilang mga pamilya na sana ay wag silang pabayaan sa araw araw at nagpapasalamat din na nandyan sila para sa akin sa araw araw at sila ang nagpapagaan ang buhay ko.

Pangarap ko talaga noong college pa ako na dito ako makapag trabaho sa MMMC at maswerte na sa pangatlong pagkakataon na nakapasok ako. Forever thankful ako sa Mary Mediatrix Medical Center dahil ito ang pinaka naging source of income ko at ganun din sa mga nakasama ko dito dahil sila ang tumulong sa akin.”

– Janice Mendoza , RN | Florence Nightingale 2018
Intensive Care Unit | 4 Years  na Nurse ng MMMC

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

2 comments

  1. Pa add po wala sa list po nyo:
    Station 6 – Best Nurse in the station
    Paul John Marasigan
    Best Nursing Aide-Grace Atienza
    Thank you po

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.