Ginaganap ngayon ang 2018 Little League Baseball Philippine Series Luzon sa Brgy Natatas, Tanauan, Batangas kung saan 67 mga koponan na nagmula sa iba-ibang parte ng Luzon ang magtatagisan sa larangan ng Baseball. Nagsimula ang liga nuong ika-30 ng Abril at magtatapos ngayong darating na sabado, ika-06 ng Mayo, 2018. Bagaman hindi gasinong kilala ang larong baseball dito sa atin sa Batangas ay may dalawang bayan na nagpapatuloy ng larong ito. Ang dalawang bayan na ito ay ang Lipa at Tanauan.
Noon pa man ay marami na ang naglalaro ng Baseball dito sa Tanauan City, nagkakampyon pa nga ang mga koponan nito sa Palarong pambansa at makailang beses na rin nakilahok at lumaban sa iba’t ibang bansa.
May iba ibang kategorya ang nasabing liga na naayon sa edad ng mga kalahok, ito ay ang mga sumusunod:
Lalaki (14 – pababa)
Lalaki (16 – Pababa)
Lalaki (18 – Pababa)
Babae (14 – pababa)
Babae (16 – Pababa)
Babae (18 – Pababa)
Kahapon, ika-3 ng Mayo ay naabutan naming nakikipagtagisan ng galing ang Koponan ng Tanauan Majors Team (14 – Pababa) laban sa Koponan n Blue Jays. Laking tuwa naman ng buong koponan ng Tanauan Majors Team dahil naipanalo nila ang laban kahapon at pasok na sila sa semi finals ng liga. Ayon kay Sir Teddy Paul Landicho, ang head coach ng Tanauan Majors Team na ang isa sa mga pinakamahirap na parte ng pagtuturo sa mga bata ay ang pagkakatugma ng kanilang mga schedule dahil prioridad pa din ng mga bata ang pagpasok sa eskwela. Ang ilan sa mga bata ay nagsisimula na magtraining sa edad na apat na taon at taon taon ay patuloy ang kanilang mga try-outs para sa mga nais maging parte ng kanilang koponan.
“Little League Baseball is a non-profit organization whose mission is to “to promote, develop, supervise, and voluntarily assist in all lawful ways, the interest of those who will participate in Little League Baseball and Softball.” Through proper guidance and exemplary leadership, the Little League Program assists youth in developing the qualities of citizenship, discipline, teamwork and physical well-being. By espousing the virtues of character, courage and loyalty, the Little League Baseball and Softball program is signed to develop superior citizens rather than superior athletes.”