Rosario, Batangas | June 09, 2018
Isa sa mga pinagmamalaking produktong ng Bayan ng Rosario ang isa sa mga paboritong kakanin ng mga Batangenyo, ito ay ang Sinukmani na syang tampok sa ika-331 taong pagkakatatag ng Bayan ng Rosario na may temang “Bayan ng Rosario kahapon, ngayon at bukas”.
Nagkaroon ng paligsahan ng pagandahan ng disenyo ng sinukmani na sinalihan ng iba’t ibang negosyo, local government offices, firms at mga paaralan na siyang isa isang inikot ng kagalang galang na Punong Bayan Manuel Alvarez at iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan. Sumayaw din ang ilang estudyante at ilang miyembro ng LGUs ng Subli sa kanilang gymnasium.
At syempre, walang uuwing hindi busog sa pagkain ng sinukmani dahil ang lahat ng nilutong sinukmani ng mga kalahok ay libreng ipinamimigay sa mga nais na makatikim nito.
Larawan ni Eric Enriquez, Jeremy Mendoza at Edison Manalo