Matagumpay ang pagdaraos ng ika-48 taon ng pagkakatatag ng Bayan ng Laurel, Batangas noong ika-21 ng Hunyo, 2017 na may temang “Moving Forward to Excellent Public Service”. Sinimulan ang pagdiriwang sa isang Thanksgiving Mass noon ika-7 ng umaga, bilang pagpapasalamat sa kanilang natatamong mga biyaya at kanilang pagkakaroon ng isang matiwasay na bayan. Malugod na nagpapasalamat ang kanilang kagalang galang na Mayor Randy James Amo sa kanilang mga kababayan, mga empleyado ng munisipyo at sa bumubuo ng buong pamahalaang bayan ng Laurel, Batangas.
Idinaos naman ang LGU Awards and Gala Night noon ika-7 ng gabi na dinaluhan ng mga empleyado ng munisipyo, mga bumubuo ng pamahalaang Bayan ng Laurel Batangas at ng DepEd Community ng Laurel, Batangas na pawang mga nakasuot ng mga magagarang kasuotan. Nagpamalas din ng kanya kanyang talento sa kanilang mga nakakatuwang mga presentasyon.
At ang pinakasentro ng pagdiriwang ngayon taon ay ang pagbibigay ng karangalan sa mga natatanging mga business owners, tax payers at mga miyembro ng Local Government Unit. Isang pagpapatunay lamang na ang Bayan ng Laurel ay pinagbuklod ng iisang hangarin na maglingkod ng tapat at tunay na serbisyo publiko para sa ikauunlad at pag usad ng kanilang pinakamamahal na Bayan ng Laurel.