Breaking News

49th Laurel Batangas Founding Anniversary

Laurel, Batangas | June 21, 2018

Hindi tulad ng mga nakaraang Foundation Anniversary ng Bayan ng Laurel, nagsimula ang pagparada ng mga  kalahok sa Street Dancing Competition, LGUs, Barangay Officials, DepEd at Sangguniang Bayan kasama ang Kagalang galang na Mayor Randy James Amo mula sa Municipal Hall patungo sa Barangay Leviste. Ito ay dahil sa pagbubukas ng bagong bagong tayong Taal Lake Central Fish Port sa Brgy. Leviste, Laurel, Batangas.

Ang pangingisda ang pangunahing kabuhayan ng mga taga Laurel at labing-isa pang bayan na nakapalibot sa Lawa ng Taal kaya naman magiging malaking tulong ito para sa kanilang kabuhayan. Ito ang kaisa isang Fish Port na itatayo sa Taal Lake na syang magiging dalahan ng mga mangingisda ng kanilang mga huli mula sa lawa. Ito rin ang magsasaayos ng panuntunan sa pangingisda sa Lawa ng Taal upang mas mapangalagaan din ang ating likas na yaman. Nasa unang yugto pa lamang ang nasabing modernong Fish Port at ilan sa mga tampok dito ay ang Cooling Storage at Modern Ice Plant na kayang gumawa ng (5) limang tonelada na magsusupply ng yelo sa mga isdang dadalhin sa merkado. Dito rin dadaan ang mga magsusupply ng mga patuka upang makontrol at masigurong hindi malalason o magdudumi ang tubig sa Lawa. Magsisilbi din itong terminal ng mga turista sa mga susunod na buwan.

Ilan sa mga panauhing pandangal ang ating kagalang kagalang na Gobernador Hermillando Mandanas, LT Gen Galileo Gerard Kintanar JR, Hon Maria Theresa Collantes, Sofio B Quintana, Ph.D. – Regional Director, DENR 4A, atbp.

Ilan pang tampok sa Founding Anniversary ang mga presentasyon ng mga iba’t ibang eskwelahan, Booth Competition at Street Dance Competition.

Listahan ng mga nagwagi:
Booth Competition:
3rd Place
Brgy Molinete

2nd Place
Brgy As-Is

Booth Competition Champion
Brgy Balakilong

Street Dance Competition
Elementary Catergory
4th Place
Cluster 4

3rd Place
Cluster 1

2nd Place
Cluster 2

Grand Winner
Cluster 3

Junior/Senior Category
3rd Place
Servite Catholic School

2nd Place
Laurel Senior High School

1st Place
Wenceslao Trinidad National High School

 

About Lead Editor

Edison Manalo is the Lead Editor of WOWBatangas.

Check Also

DOST’s Hack4AProgress Summons Student Software Developers, Promotes Collaboration among Education, Industry and Government

The Department of Science and Technology (DOST), through its Hack4aProgress Contest, invited all tech experts, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.