Ang bayan na may pinakamaraming kabayo sa probinsya ng Batangas ay ang Talisay, kung saan namukod tangi si Paolo Palomino, 16 gulang, sa pagkapanalo sa ika-4 na GDN Karera ng Kabayo para sa Turismo, sa Sitio Pulo sa isla ng Bulkang Taal, Setyembre 24.
Ang panalo ni Paolo Palomino ay ang kanyang unang kampeonato sa pangangarera na tatlong taon na niyang sinasalihan sa pulo ng Talisay.
Ang GDN Karera ng Kabayo para sa Turismo ay orihinal nang taunang tradisyon ng mga taga-Talisay na inangkop ng Pamahalaang Pang-Turismo ng kanilang bayan.
“Ito ay para mas mapagpatuloy pa at mapangalagaan ang kulturang ayaw namin malimutan dine sa Taal,” sabi ni Ms. Len Balba, Chief Tourism Operations Officer ng Talisay.
Kinamulatan na ang karera ng kabayo sa isla ng Taal at tinuturing na rin ang selebrasyon bilang araw ng pahinga ng mga hineta kung kaya ay hinihinto muna ang paghahatid ng mga turista paakyat sa crater ng bulkan.
“It’s not just the place, it’s the experience,” paanyaya ni Ms. Len Balba sa interbyu tungkol sa isla ng bulkang Taal.
Sinulat ni Ed Jasper An