Kahapon, ikaw 21 ng Hunyo, 2016 ay ginanap ang ika-6 na Bay-Ongan Festival at ika-47 taong pagkakatatag ng bayan ng Laurel. Sinimulan ang pagdiriwang sa maagang parada ng mga Karakol Dancers, LGU’s, Lakambini ng bawat barangay, mga representante mula sa DepEd at mga magagarang floats na nagsimula sa Paaralang Elementarya ng Leviste hanggang sa Pamahalaang Bayan ng Laurel.
Pagkatapos ng parada’y agad nagtungo si Mayor Randy James Amo at iba pang tagahatol sa harapan ng munisipyo upang i judge ang mga magagarang float. Pagkatapos nito’y agad sinimulan ang misa sa Poblacion at sinundan ng Programang inihanda ng Local Government Unit ng Laurel. Mayroong inihandang kanya kanyang presentasyon ang mga representante mula sa sangay ng kabataan at mga guro mula sa iba’t ibang school. Kasabay na rin dito ang pagbibigay karangalan sa mga empleyado ng munisipyo na matagal na nanunungkulan at ang panunupa ng kagalang galang na Mayor Randy James Amo sa kanyang ikatlong termino. Pagkatapos nito’y agad ding sinimulan ang PGT (Pinaghalong Galing at Talino) na kung saan ay naghanda ng limang minutong sayaw ang mga representante ng walong barangay na nakilahok sa 5 Minute Court Dance.
Listahan ng mga nagwagi:
Float Competition
1st Place : Poblacion 2
2nd Place : Buso-Buso
3rd Place : San Gregorio
PGT (Pinaghalong Galing at Talino)
1st Place : Buso-Buso
2nd Place : Bugaan East
3rd Place : Balakilong